^

Metro

Empleyado ng Muntinlupa City hall, dedo sa tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang kawani ng Muntinlupa City Hall Office matapos itong tambangan  ng riding in tandem na suspect,  kahapon ng madaling araw sa nabanggit na lungsod.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Wilfredo Pastrana, 47, isang biyudo, draftsman sa Assessor’s Office  at nakatira sa  Katarungan Village, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City sanhi ng tinamong maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa report na natanggap ni Senior Supt. Allan Cruz Nobleza, hepe ng Muntinlupa City Police, naganap ang insi­dente alas-12:30 ng madaling-araw sa panulukan ng Bruger St., at kahabaan ng National Road, Brgy. Putatan ng  naturang lungsod habang papatawid ang biktima nang salubungin ng isang puting Yamaha motorcycle na walang plaka.

Walang salitang pinagbabaril ang biktima ng dalawang kalalakihang nakasakay dito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect matapos ang pamamaril.

Sa nakalap na impormas­yon ng pulisya, nabatid na parati umanong may kalalakihang nag-aabang sa biktima.

Isa sa anggulong mga  ini­imbestigahan ngayon ng Muntinlupa City Police ang trabaho nito bilang draftsman sa Assessor’s Office ng Muntinupa City Hall Office, na posibleng may kinalaman sa pagpatay dito.

vuukle comment

ALLAN CRUZ NOBLEZA

BRGY

BRUGER ST.

KATARUNGAN VILLAGE

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY HALL OFFICE

MUNTINLUPA CITY POLICE

MUNTINUPA CITY HALL OFFICE

NATIONAL ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with