^

Metro

Shabu nakuha sa bra 8-buwan buntis tinodas ng ex-convict

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 27-anyos na ginang ang nasawi kasama ang walong buwan na ipinagbubuntis nang pagsa­saksakin ng isang ex-convict  sa Tondo, Manila, kahapon ng madaling araw.

Namatay habang gina­gamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Ro­chelle­ Bautista, ng Lacson St., Velasquez, Tondo, Manila sanhi ng saksak sa ibaba ng dibdib at likurang bahagi ng katawan. Itinuturo namang suspek ang isang Rolito Mo­rallos, 32, ng  Sta. Catalina St., Tondo na tumakas dala ang ginamit na patalim.

Sa report ni Det. Michael Maraggun ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang ma­ganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima.

Ayon kay Jocelyn Pascual, 37, kapitbahay ng biktima, nagpapahinga siya sa kanilang bahay nang nakarinig ng sunud-sunod na sigaw kaya pinuntahan niya kung saan nakitang pinagsasaksak ng suspek ang biktima kaya sinigawan niya itong “Oleng, tama na yan” saka tumigil ang suspek at tumakas sa direksiyon ng Sta Catalina dala ang ginamit na patalim.

Isinugod naman ang biktima sa ospital subalit namatay dakong alas-10:00 ng umaga .

Ayon kay Maraggun, droga ang tinitingnang mo­tibo sa pagpatay sa biktima dahil may nakuha sa loob ng bra nito ng dalawang piraso ng hinihinalang shabu.

Inamin din ni Pascual na may illegal na gawain ang biktima subalit  ayaw naman niyang kumpirmahin kung nagbebenta o gumagamit ito ng ilegal na droga. Aniya, naipasa lang  sa biktima ng kanyang  dating asawa ang gawaing ilegal matapos na mapatay din ang lalaki dahil din sa droga.

Samantala, ayon  naman kay Maraggun, apat na taon nang nakulong ang suspek sa National Bilibid Prison (NBP) sa kasong assault upon person of authority  at frustrated murder kung saan nakalabas lamang ito noong January 14, 2014.

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

CATALINA ST.

JOCELYN PASCUAL

LACSON ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MARAGGUN

MICHAEL MARAGGUN

NATIONAL BILIBID PRISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with