^

Metro

Bentahan ng shabu, idinadaan sa comfort room ng mga resto

Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ang pagtatago ng shabu sa loob ng comfort room ng mga restaurant ang tinitignan ngayon ng mga operatiba na bagong modus operandi ng ‘tulak ‘ ng shabu, matapos na matagpuan ang isang package­ ng shabu sa isang toilet tank ng isang fastfood chain sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang manager ng isang restaurant sa panulukan ng Panay Avenue at EDSA sa Brgy. South Triangle, ang agad na nag-report sa Quezon City Police District (QCPD) Kamuning station kaugnay dito saka ibinigay ang mahigit sa nasamsam na 10 gramo ng shabu.

Ayon kay Supt. Limuel Obon, hepe ng Kamuning Police Station, nakatanggap umano ng tawag ang kanyang mga tauhan sa naturang fastfood bago mag-alas-7 ng gabi kung kaya agad nila itong nirespondehan.

Dito, sabi pa ni Obon, ay iniabot sa kanya ng manager ang package na naglalaman ng 10 gramo ng puting pulbos na nakasilid sa loob ng sel­yadong transparent plastic bag. Ang  package ay dinala na nila sa Crime Laboratory para masuri. Sabi ng opis­yal, na­tagpuan ang nasabing package ng janitor ng resto habang naglilinis ito ng toilet.

Dagdag ni Obon, isang drug dealer ang maaaring naglagay ng shabu sa loob ng toilet tank para kunin na lang ng kanyang buyer.

Tinatayang aabot sa P30,000 ang halaga ng shabu na narekober dito.

Sinasabing dahil sa mahigpit ang monitoring ng awtoridad sa iligal na bentahan ng shabu, karaniwan na ang ginagawang buy-bust operation, pero dahil madalas na nabibigo ang drug dealer sa ganitong uri ng bentahan ay posibleng ang paglalagay na lang sa mga toilet ang naging sistema upang hindi mahuli. 

Sabi ni Obon, makikipag-ugnayan sila sa management ng  fastfood restaurant para matukoy kung sino ang nag-iwan ng shabu sa loob ng kanilang toilet.

vuukle comment

CRIME LABORATORY

KAMUNING POLICE STATION

LIMUEL OBON

OBON

PANAY AVENUE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SABI

SHABU

SOUTH TRIANGLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with