^

Metro

P1.3-B shabu nasamsam: 4 timbog

Lordeth Bonilla at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 272 kilo ng shabu na pinanini­wa­laang nagkakahalaga ng P1.3-B ang nasamsam ng pulisya mula sa nadakip na apat na suspek sa isinagawang ope­rasyon kahapon ng hapon sa Parañaque City.

Kinilala ang nadakip na sina Robert Tan; Oliver Tan; Mark June San Gabriel at Felino Lopez.

Nabatid sa Philippine Na­tional Police Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) at sa PDEA  na isinagawa ang opera­syon ala-1:00 ng hapon sa Marina Bay, Parañaque City.

Napag-alaman na  naka­lagay ang droga sa anim na kahong yari sa kahoy at sakay ng silver na Mitsubishi Adventure na may plakang WVI-579 kung kaya’t sinundan ito ng operatiba.

Sinasabing bago ito na­katanggap ng impormasyon ang pulisya tungkol sa ilegal na aktibidad ng mga suspect­.     

Giit ng isa sa mga suspek na si Robert,  binayaran siya ng P70,000 upang kunin ang mga kahon mula sa Sentosa at ibibiyahe niya sana patu­ngong Cavite.

vuukle comment

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

FELINO LOPEZ

MARINA BAY

MARK JUNE SAN GABRIEL

MITSUBISHI ADVENTURE

OLIVER TAN

PHILIPPINE NA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with