^

Metro

Ama walang pambayad Bangkay ng anak itinakas sa morgue ng ospital

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sanhi ng kakapusan sa pera, nagawang itakas­ ng isang mister ang bangkay ng kanyang dalawang-taong gulang na anak na lalaki mula sa morgue ng isang pa­gamutan sa Malabon City kahapon ng ma­daling-araw.

Sa report ng Malabon City Police, ala-1:43 ng madaling-araw nang itakas­ ni Marlon de Leon, 30, ng Brgy. Longos­ ng naturang lungsod ang bangkay ng anak   habang nakalagak sa morgue ng Pagamutan Lungsod ng Malabon (PLM).

Dinala ni Marlon ang kanyang anak sa paga­mutan kamakalawa ng gabi dahil sa pagtatae at pagsusuka subalit idineklara na rin itong dead-on-arrival.

Humingi ng tulong sa Malabon City Police ang pamunuan ng PLM hanggang sa matagpuan ng mga nagpapatrulyang mga pulis ng MPD si De Leon na yakap-yakap ang bangkay ng anak sa labas ng gate ng Missionary Church sa Tayuman, Tondo, Manila.

Dinala ang bangkay sa Jose Reyes Memorial Hospital upang pansamantalang ilagak kung saan ipinaalam naman kaagad  sa Malabon City Police at sa PLM ang insidente.

Nang puntahan ay nalaman kay De Leon na kaya niya nagawang itakas ang bangkay ay dahil na rin sa kahirapan at lalong lalaki umano ang gastos kapag isinailalim sa awtopsiya kung kaya dinala niya sa religious missionary church upang makahingi ng tulong.

Nabatid na isang politiko naman mula pa sa Maynila ang nakaalam sa pangyayari at inako lahat ang babayaran sa ospital, pagbuburulan at pagpapalibing sa bangkay.

vuukle comment

BANGKAY

DE LEON

DINALA

JOSE REYES MEMORIAL HOSPITAL

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MARLON

MISSIONARY CHURCH

PAGAMUTAN LUNGSOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with