^

Metro

Dalaga, sugatan nang barilin ng kaaway ng ka-live-in

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang 18-anyos na babae nang pagba­lingang pagbabarilin ng ka­away ng kanyang live-in partner  nang hindi tamaan ng mga ito ang kanilang tunay na target sa Mandaluyong City kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa Mandaluyong City Medical Center (MCMC) ang biktimang si Maritony Pipit, ng Sinag Baba St., Brgy. Mauway, Mandaluyong City dahil sa tinamong tatlong tama ng bala sa kaliwa at kanang braso at likod.

Isa lamang sa dalawang nakatakas na suspek ang nakilalang si Carlito Parido alyas Tolit, at residente ng Block 1, Lot 1, Sinag St., Brgy. Mauway, Mandaluyong City.

Batay sa ulat nina SPO1 Edmund Fabela at PO3 Marvin Masangkay, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang krimen, habang papasok na ang biktima sa kanilang bahay, kasama ang kanyang live-in partner na si Jojo Jory, tri­cycle driver.

Nagulat na lamang ang mag-live-in partner nang biglang sumulpot ang mga suspek at bigla na lang silang pinagbabaril.

Bigo naman ang mga suspek na tamaan si Jojo na hinalang siyang tunay na puntirya matapos na makapagtago kaya’t si Pipit, na naiwan ang binalingan at pinagbabaril ng mga ito.

Ayon sa biktima, narinig pa niya si Parido nang sabihin nito sa kasamahan na barilin na siya sa ulo.

Mabuti na lamang umano at hindi sumunod ang inutusan at iniwanan na lamang ang duguang biktima.

Hindi pa naman batid ang motibo sa krimen dahil hindi pa umano nagbibigay ng salaysay sa pulisya si Jojo, na tulala pa dahil sa insidente.

 

vuukle comment

BRGY

CARLITO PARIDO

EDMUND FABELA

JOJO

JOJO JORY

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

MARITONY PIPIT

MARVIN MASANGKAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with