^

Metro

Abogado ni lintang bidol 2 ulit hinimatay: Pagdinig sa kasong electoral sabotage ni GMA, ipinagpaliban

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

CEBU, Philippines - Ipinagpaliban kahapon ng Pasay City Re­gional Trial Court ang pagdinig hinggil sa kasong electoral sabotage na kinakaharap ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos himatayin ng dalawang beses ang isa sa mga abogado ni da­ting Maguindanao election supervisor Lintang Bidol, na kabilang sa mga akusado.

Ayon sa tagapagsalita ng tanggapan ni Judge Jesus Mupas, ng Branch 112, Pasay RTC na si Felda Domingo, bago pa maganap ang pagdinig dakong alas-9:30 kahapon ng umaga ay nakaramdam na nang pagkahilo si Atty. Reynaldo Princesa.

Hindi nagtagal ay tuluyan na itong hinimatay kung kaya’t kaagad na tumawag ng rescue team ang pamunuan ng naturang korte upang suriin ang naturang abogado ni Bidol. Dahil sa insidente ay  naghain na lamang ng joint manifestation ang  magkabilang panig na ipagpaliban na lamang ang pagdinig.

“Dapat sana sa Ok­tubre 24 ang schedule pero dahil natapat na ito sa barangay election, napagkasunduan na lamang ng magkabilang panig na ituloy na lang ang trial sa Nobyembre 7 at 14 dakong alas-9:30 ng umaga,” pahayag ni Domingo.

vuukle comment

AYON

BIDOL

FELDA DOMINGO

JUDGE JESUS MUPAS

LINTANG BIDOL

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PASAY CITY RE

REYNALDO PRINCESA

TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with