^

Metro

EAMC binatikos sa kawalan ng mga pasilidad para sa mga pasyente

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umalma kahapon ang mga pasyente sa emergency room ng East Avenue Medical Cen­ter sa Quezon City bunga ng kawalan ng pasilidad ng ospital para mabigyan ng kaukulang medikasyon ang mga may sakit na dinadala rito.

Isang Florencio Ubaldo Casino, 45, ng Nueva Ecija ang naipasok sa naturang pa­gamutan matapos ma-stroke pero kinailangan itong bitbitin sa labas ng pagamutan para ma-CT scan. Sinasabi ng mga staff sa naturang ospital, mahigit isang taon na silang walang CT scan.

“Ospital ito ng gobyerno bakit wala man lamang gamit na ganito ang ospital? Ito ba ang sinasabing maayos na ang serbisyong medikal na  naipagkakaloob ng gobyerno sa publiko?”  pahayag ng ilang kaanak ng mga pasyente sa pagamutan.

Inalmahan din ng mga pasyente kung bakit may mataas na halaga na bina­bayaran ang mga pasyente sa laboratory test  sa isang go­vernment hospital na tulad ng East Avenue Medical Center gayung pera ng bayan ang nagpapatakbo rito.

“Kung may dapat sanang singilin, dapat sana yung abot kayang presyo lamang ng mga mahihirap na pasyente, kaya nga kami nagpunta sa ospital ng gobyerno eh para kahit paano mabawasan ang aming gastusin,” paliwanag ng ilang kaanak ng pasyente sa pagamutan.

vuukle comment

EAST AVENUE MEDICAL CEN

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

INALMAHAN

ISANG FLORENCIO UBALDO CASINO

NUEVA ECIJA

OSPITAL

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with