^

Metro

5 street crime hotspots sa MM pinatututukan ni Purisima

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatututukan ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima sa bagong upong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na gumawa ng mga kaukulang hakbang upang masugpo ang talamak na street crime hotspots sa Metro Manila.

Ayon kay Purisima, binigyan na niya ng direktiba ang kanyang mistah na si NCRPO director Chief Supt . Marcelo Garbo para sugpuin ang street crimes sa limang natukoy na hotspot na ikinaalarma ng kanyang liderato.  Sina Purisima at Garbo ay mag-mistah sa Philippine Military Academy (PMA) Class 1981. 

Nabatid na naalarma ang PNP chief sa dumaraming mga reklamo ng mga sibilyang nabibiktima sa 5 hotspots ng street crimes tulad­ ng robbery/holdup, snatching, pandu­rukot, panlalaslas ng bag at iba pa.

“Meron limang lugar sa Metro Manila na tututukan natin to reduce the street crimes, iyon yung pinag-usapan namin (Garbo) na bigyan ng pansin ang mga lugar na ito, for our kababayan na maramdaman  yung presensya ng mga pulis,” ayon pa sa PNP Chief.

Tinukoy naman ni Purisima na kabilang sa naturang mga hotspots ay ang Cubao (Aurora­ Edsa), Caloocan area, Baclaran, EDSA Taft Avenue at University belt sa kahabaan ng CM Recto.

Samantala, bukod dito, aminado naman ang PNP chief na marami pang lugar sa Metro Manila ang malala rin ang nagaganap na street crimes.

 Sa kanyang pag-upo sa puwesto noong nakalipas na Sabado (Hulyo 13), sinabi ni Garbo sa kanyang talumpati na prayoridad niya ang pagsawata sa kidnapping for ransom (KFR) sa Metro Manila kung saan karamihan sa mga biktima ay mga negosyanteng Filipino Chinese.

Pinakahuli sa insidente ay ang pagkakaligtas sa Davao C ity noong nakaraang linggo sa negosyanteng si Sally Chua na dinukot sa Quezon City noong Hulyo 3 matapos na mapaslang sa rescue operation ang tatlong kidnapper, habang isa pa ang naaresto.

Samantala, inatasan na rin ni Purisima ang PNP Directorate for Police Community Re­lations na gumawa ng Twitter account upang hikayatin ang publiko na dito ireport ang mga problema sa kriminalidad para mabilis na maaksyunan ng pulisya.

 

vuukle comment

CHIEF SUPT

DAVAO C

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

FILIPINO CHINESE

HULYO

MARCELO GARBO

METRO MANILA

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with