^

Metro

Dahil sa away ng mga misis Estibador utas sa pinsan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na nakapasok sa trabaho ang isang 31-anyos na estibador nang mamatay matapos barilin ng kanyang pinsan na nag-abang sa kanya sa labas ng bahay, sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Ruel Gomba, resi­ dente ng Squatters Colony, Road 10, Vitas, Tondo, Maynila habang tumakas naman ang suspect na si Ivy Gomba, pinsan ng biktima, 24, vendor at residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa ulat ni PO3 Jupiter Tajonera ng Manila Police Dis­trict-Homicide Section, dakong  alas-5:00 ng umaga nang dumaan ang biktima at barilin sa tapat ng bahay ng suspect.

Naging ugat ng pagtatanim ng galit ng suspect ang  naunang pag-aaway ng kani-kanilang misis.

Nagtalo umano ang kanilang mga misis dahil sa pagtatapon ng basura na nauwi sa pagsasakitan hanggang sa silang apat na ang magtalo-talo na naawat din at nagkaayos.

Hindi umano akalain na may binabalak pa ang suspect sa kabila ng ginawang pag-aayos-ayos na ang dalawang partido.

vuukle comment

HOMICIDE SECTION

IVY GOMBA

JUPITER TAJONERA

MANILA POLICE DIS

MAYNILA

NAGTALO

RUEL GOMBA

SQUATTERS COLONY

SUSPECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with