^

Metro

4 na akusado na nakapatay sa US Marine, pinayagang makapagpiyansa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayagan kahapon ng isang huwes sa Makati City Regional Trial Court na makapagpiyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan ang apat na akusado na sangkot sa pagpatay sa isang opisyal ng US Marine sa isang alterkasyon sa gate ng isang subdibisyon sa lungsod noong nakaraang Nobyembre.

Sa pitong pahinang desisyon ni Judge Winlove Dumayas ng Makati RTC Branch 59, nabigo umano ang kampo ng prosekusyon na magharap ng sapat na ebidensya na nagkaroon ng conspiracy o pagtutulungan at paggamit ng mas higit na puwersa laban kay US Marine Major George Anikow.

Agad namag nagtungo sa korte kahapon ng umaga ang mga abogado ng mga akusadong sina Galicano Datu III, Crispin dela Paz, Juan Alfonso Abastillas, and Osric Cabrera at naghain ng P300,000 piyansa bawat isa.

Naibaba rin ang orihinal na kasong murder sa homi­cide kaya naging bailable ito kaugnay ng pagkakapaslang kay Anikow noong Nobyembre 27, 2012 malapit sa gate ng Rockwell Subdibision sa Brgy. Bel-Air, Makati na nakuhanan pa ng video ng CCTV.

vuukle comment

ANIKOW

GALICANO DATU

JUAN ALFONSO ABASTILLAS

JUDGE WINLOVE DUMAYAS

MAKATI

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

MARINE MAJOR GEORGE ANIKOW

NOBYEMBRE

OSRIC CABRERA

ROCKWELL SUBDIBISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with