^

Metro

Pinahinto sa pag-inom ng alak, teenager nagbigti

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tinapos ng isang teenager ang kanyang buhay sa pama­magitan ng pagbigti sa sarili matapos na pagsabihan ng kanyang nanay na itigil ang pag-inom ng alak sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Si Jeffrey Casilag, walang trabaho, ng Brgy. Paltok ay na­tagpuan na lamang nakabitin sa kisame ng kanilang bahay ng kanyang nanay na si Aling Perla.

Base sa pahayag ng nanay ng biktima, bago ang insidente ay pinagsabihan umano niya ang anak na tigilan na ang pakikipag-inuman sa mga kaibigan dahil baka magalit ang tiyuhin nito.

Diumano, nakikitira lamang ang mag-ina sa tiyuhing si Noel Santos at nahihiya na ang matandang Casilag sa madalas na pag-inom ng alak ng anak.

Posible umanong dinamdam ng huli ang payo ng ina, hanggang sa ganap na alas-7 ng umaga nang hanapin ng matanda ang biktima para kunin ang kanyang cellphone ay bumulaga sa kanyang harapan ang walang buhay na katawan nito habang nakabitin sa kisame gamit ang electric wire.

vuukle comment

ALING PERLA

BRGY

CASILAG

DIUMANO

NOEL SANTOS

PALTOK

POSIBLE

QUEZON

SI JEFFREY CASILAG

TINAPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with