Lim, city officials at 25 pulis inabsuwelto ng Ombudsman
- Doris Franche-Borja () - May 30, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang kasong iniharap ng DEALCO Farms laban kay Manila Mayor Alfredo Lim, mga city officials at pulis kaugnay sa ginawang pagtake over sa Vitas slaughterhouse noong 2008, sa Tondo, Maynila.

Bukod kay Lim, inabsuwelto din sina  Chief of Staff Ricardo de Guzman; City Administrator Jesus Mari Marzan; City Legal Officer Renato dela Cruz;  OIC Veterinary Inspection Board Francisco Co; Department of Public Services­ chief, Ret.  Col. Carlos Bal­tazar  at pulis na pinangu­ngunahan nina  District Spe­cial Project  Unit chief, P/ Sr. Supt. Alejandro Gutierrez at noo’y MPD-Station 1 commander, Supt. Rolando Miranda.

Sa resolusyon ni Graft Investigator at Prosecution Officer I Michelle Villabesa umakto ng “good faith’ at ginamit lamang ni Lim ang karapatan at re­medyo para mabawi ang Vitas slaughterhouse, mula sa pagkalugi ng DEALCO.

Ang  DEALCO ay pag-aari ng pamilya ni Manila Councilor Dennis Alcoreza, na siyang nag-operate ng nabanggit na slaughter house mula 2001-2008 sa pamamagitan ng kontrata ipinasok ni dating Manila Mayor Lito Atienza noong 1999.

Lumilitaw na nawalan ng may bilyon piso ang lung­sod sa panahon na nag-operate ang DEALCO.

Nabatid sa Ombudsman, walang matibay na ebidensiya na naiprisinta ang pamilya ni Alcoreza na sinamantala ni Lim ang kanyang kapangyarihan da­ hilan naman para ma­dis­mis ang kaso.

Bukod pa dito, puma­yag ang DEALCO na bo­lun­taryong isuko ang pa­ ngangasiwa ng slaughterhouse sa lungsod sa isang compromise agreement pero nilabag nila ito, kaya napilitan ang siyudad na gumawa ng hakbang.

Ito ang naging pana­naw ng Ombudsman sa reklamo ni Jocelyn Alcoreza sa ginawang pagbitbit kay Dennis Alcoreza ng mga pulis palabas sa slaughterhouse.

ALEJANDRO GUTIERREZ BUKOD CARLOS BAL CHIEF OF STAFF RICARDO CITY ADMINISTRATOR JESUS MARI MARZAN CITY LEGAL OFFICER RENATO DENNIS ALCOREZA SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with