^

Metro

Sa mga bagong halal na barangay chairman: Partisan politics tigilan na! - Lim

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nanawagan si Manila Mayor Alfredo Lim sa mga bagong halal na  barangay chairman sa tatlong dis­trito ng Maynila na tigilan na ang partisan politics at isulong ang mga proyek­tong makabubuti sa   kani-kanyang  barangay.

Kasabay nito, binati ni  Lim ang mga  bagong halal na  barangay chairman mula sa 1st, 2nd at 4th district  bukod sa paalalang  huwag nang mamulitika dahil ang kanilang  baran­gay ang nasasakripisyo.

Sa kanyang pagsasa­lita sa  President Restaurant, kasama sina Nino dela Cruz (1st district); Rod Lac­samana (2nd district); Ramon Robles (2nd district); Atty. Bimbo Quintos XIV (4th district), sinabi ni Lim sa mga barangay chairman na huwag saya­ngin ang  internal Revenue Allotment (IRA) na ibinigay sa kanilang barangay at gamitin sa mabuting pro­yekto.

Sinabi ni Lim na hindi  siya makikialam  kung saang proyekto gagamitin ang IRA subalit kailangan lamang na  tumugma  ang kanilang gastusin sa report ng  Commission on Audit (COA).

Binigyan-diin ni Lim na   hindi umano dapat na  gamitin ang IRA sa kati­walian dahil ito ay pera ng bayan.

Idinagdag  naman ni Roland Lim, ng Manila Barangay Bureau, hindi umano dapat na sayangin ng  mga bagong halal na  barangay chairman ang tiwala ng kanilang mga tao sa kanilang barangay.

vuukle comment

BARANGAY

BIMBO QUINTOS

MANILA BARANGAY BUREAU

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

PRESIDENT RESTAURANT

RAMON ROBLES

REVENUE ALLOTMENT

ROD LAC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with