Kison sa Manila Police District aprub sa Manila's Finest Retirees Association
() - March 31, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sinuportahan ng Manila’s Finest Retirees Association ang pagkakapili ni Manila Mayor Alfredo Lim kay Manila Police District Deputy Director Sr. Supt. Leo Mendoza Kison bilang kapalit ng kasalukuyang Director na si C/Supt. Roberto Rosales.

Si Rosales ang magiging kapalit ni NCRPO Director C/Supt. Leopoldo Bataoil dahil ito ay ililipat na sa Camp Crame.

Ayon kay MFRA President ret.Col. Felicisimo Lazaro, personal na inindorso ni Lim si Kison dahil malaki ang tiwala nito dito bunsod ng apat na taong serbisyo sa MPD.

“Suportado namin ang gusto ni Mayor Lim na si Col. Kison ang dapat na maupo bilang director sa MPD. Mahusay naman at magaling pang makisama itong si Kison kaya marapat lamang na siya ang i-indorso bilang panibagong hepe ng Manila’s Finest,” dagdag pa ni Lazaro.

Dadaluhan ni Lim at ng 3,000 miyembro ng MPD ang nakatakdang turn-over ceremony dito. (Ludy Bermudo)

CAMP CRAME DIRECTOR C FELICISIMO LAZARO FINEST RETIREES ASSOCIATION KISON LEO MENDOZA KISON LEOPOLDO BATAOIL LUDY BERMUDO MANILA MAYOR ALFREDO LIM MANILA POLICE DISTRICT DEPUTY DIRECTOR SR. SUPT
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with