^

Metro

Estudyante inihulog mula sa 2nd floor ng motel, kritikal

-

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ang isang 21-anyos na lalaking estudyante makaraang ihulog ito mula sa ikalawang palapag ng isang motel ng lalaking kasama nitong nag-check-in sa naturang esta­blisimiyento, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Kritikal ngayon ang kalaga­yan sa Sta. Rita Hospital bunga ng mga matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kini­lalang si Jimmy Ocampo ng Ca­mella Homes, Bacoor, Cavite.

Batay sa ulat ng pulisya, pasado alas-11 ng gabi nang mangyari ang nasabing insi­dente sa Quirino Motel na nasa Quirino Avenue, Parañaque City.

Nabatid na ang biktima ay unang nag-check-in sa natu­rang motel kasama ang isang lalaki kung saan makaraan ang ilang minuto ay nakita na la­mang ang mga ito na nagka­roon ng maini­tang pagtatalo habang nagpu­pumilit ang huli para pumasok sa inupahan nilang silid.

Makalipas ang ilang sandali, nagulat na lamang ang security guard ng motel nang biglang lumagapak sa kanyang hara­pan ang biktima na umuungol at duguan ang ulo makaraang ihulog ito ng suspect.

Agad namang isinugod ng security guard sa naturang pa­gamutan ang biktima, habang ang hindi pa kilalang suspect ay agad namang tumakas palabas ng motel. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AGAW

BACOOR

BATAY

CAVITE

JIMMY OCAMPO

QUIRINO AVENUE

QUIRINO MOTEL

RITA HOSPITAL

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with