^

Metro

Flood control project ng DPWH binira ng Navotas

-

Mariing kinondina ng pa­mahalaang lokal ng lungsod ng Navotas ang umano’y “dispalinghado o palpak” na proyekto ng Department of Public Works and Highways na may kaugnayan sa Caloo­can, Malabon, Navotas at Valen­zuela Flood Control matapos tumaas ang tubig baha sa ilang area sa Nav­otas sa pa­na­hon ng tag-init kung saan dati ay hindi naman ito bina­baha.

Labis na kinagulat ng mga residente ang pagbahang na­ganap sa Phase 1, Kapit-ba­hayan, Barangay North Bay Boulevard South.

Mariing sinisisi ni Navotas City Mayor Tobias “Toby” Tiangco ang umano’y kapal­pakan ng proyekto ng DPWH na Mega Flood Control.

Ayon sa alkalde, ang big­laang pagtaas ng tubig ay re­sulta ng dry-run ng Bang­ku­lasi Pumping Station na ka­sama sa nasabing proyekto.

Nabatid na matagal na aniyang hindi binabaha ang Phase 1 sa Kapit-bahayan simula ng mag-operate ang Babanse Bombastik Pumping Station.

Subalit ngayon, dahil sa pakikialam at kapalpakan ng CAMANAVA Flood Control project, naperwisyo na naman ang mga taga-Navotas, ayon kay Tiangco.

Sinabi rin ni Navotas City Engineer Lito Serrano na hindi nakipag-ugnayan sa kanila ang DPWH sa gagawin nitong pagtesting sa Bangkulasi Pumping Station kaya hindi nakapaghanda ang mga re­sidente sa biglaang pag­taas ng tubig.

Kabilang sa mga naapek­tuhan ng pagbaha ay ang ginanap na graduation sa Kapitbahayan Elementary at High School, Navotas Polytechnic College, San Lorenzo Ruiz Parish, barangay hall ng NBBS at mga naninirahan sa naturang lugar. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BABANSE BOMBASTIK PUMPING STATION

BANGKULASI PUMPING STATION

BARANGAY NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

FLOOD CONTROL

NAVOTAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with