Ex-PBA player arestado sa NAIA
() - October 23, 2007 - 12:00am

Dinakip ng mga operatiba ng Philippine National Police-Aviation Security Group (Avsegroup) ang isang dating player ng PBA  matapos na mahulihan ng 7 pirasong bala sa kanyang bagahe habang pasakay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nadakip na si Rizal Severino “Manny” Victorino, 48, residente ng 14 Teresita St., Maharlika 2, Paranaque City. Si Victorino ay nakatakda sanang sumakay sa Continental Airlines flight CO-934 sa NAIA Terminal 1 patungong Guam nang harangin ng mga tauhan ng Avsegroup.

Ito ay matapos na makita sa final security check sa departure area ng  x-ray operator na si Julieta Dulotan ang imahe ng bala sa kulay itim na carry-on bag na may tatak na “Adidas” ng  nasabing dating manlalaro ng PBA.

Dahil dito, hiniling ni Dulotan kay duty baggage Inspector Benjamin Galutira na buksan ang bag ni Victorino at nang isagawa ang manual inspection ay tumambad ang pitong pirasong bala ng caliber .38.

Nang sumailalim sa imbestigasyon, inamin ni Victorino na pag-aari niya ang mga bala na nakaligtaan lamang umano nitong tanggalin habang nag-iimpaki ng kanyang mga gamit.

Gayunman, hindi naman pinalampas ng Avsegroup ang pangyayari at sinampahan pa rin nila  ng  kasong paglabag sa PD 1866 o illegal possession of ammunition si Victorino na  naging manlalaro ng koponan ng Great Taste, Ginebra San Miguel at Purefoods noong dekada ’80 at ’90. (Ellen Fernando)

AVSEGROUP CONTINENTAL AIRLINES ELLEN FERNANDO GINEBRA SAN MIGUEL GREAT TASTE INSPECTOR BENJAMIN GALUTIRA VICTORINO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with