^

9-anyos na totoy naboga ni kuya, patay

- Angie dela Cruz, () - August 14, 2005 - 12:00am
Nasawi ang isang 9-anyos na batang lalaki makaraang aksidente itong mabaril sa ulo ng kanyang nakakatandang kapatid, kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.

Binawian nang buhay habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si Estelito Cerillo III, ng Block 6, Sitio Bagong Silang, Brgy. Sucat ng nabanggit na lungsod sanhi ng isang tama ng bala ng baril na tinamo sa ulo.

Nadakip naman ng pulisya ang kuya nitong si Estelito Cerillo II, 18.

Sa imbestigasyon nina SPO2 Cristito Veluz at SPO2 Ricardo Gomez ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng umaga sa loob ng bahay ng pamilya Cerillo.

Nabatid na kagigising lamang ng suspect at katabi nito ang biktima kung saan naisipan nitong kunin ang isang kalibre .38 baril na nakatago sa cabinet.

Hindi sinasadyang nakalabit ng matandang Cerillo ang gatilyo ng baril at aksidenteng tumama sa ulo ng natutulog na kapatid.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na rin naisalba pa ang buhay nito.

Inaalam ng pulisya kung sino ang nagmamay-ari ng baril at kung may papeles ito.

BINAWIAN BRGY CRISTITO VELUZ ESTELITO CERILLO INAALAM MABILIS MUNTINLUPA CITY MUNTINLUPA CITY POLICE RICARDO GOMEZ SITIO BAGONG SILANG
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with