Suporta sa sinibak na warden: Inmates sa Pasay City jail, nag-noise barrage
May 5, 2005 | 12:00am
Nabulabog ang buong Pasay City jail kahapon makaraang magsagawa ng noise barrage ang may 700 mga bilanggo bilang protesta sa ginawang pagsibak sa puwesto sa warden na si Supt. Mariano Andres.
Si Andres ay tuluyang sinibak ng Bureau of Jail and Management (BJMP) makaraang payagan nitong magdiwang ng kanilang anibersaryo ang grupong Sigue-Sigue Sputnik sa loob ng kulungan noong nakalipas na Mayo 1.
Umanoy pumayag itong makapagpasok ang grupo ng mga bilanggo ng mga inuming nakalalasing , mga babae na umaliw sa mga preso at maging ang ginamit na sound system sa party.
Pinalitan si Andres ni Supt. Nestor Velasquez.
Makaraang mabatid ng mga preso na pinalitan ang kanilang paboritong warden nagsagawa ang mga ito ng noise barrage at nagbato ng kung anu-ano palabas sa bintana ng kanilang selda na kanilang sinimulan dakong alas-8 ng umaga at iginiit ang pagbabalik kay Andres.
Ayon naman kay BJMP director Arturo Alit ang pagkakatanggal ni Andres bilang warden ay alinsunod sa rekomendasyon ni BJMP-NCR Director Chief Supt. Armado Llamasares. Ibinalik si Andres sa NCR habang isinasagawa ang imbestigasyon. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended