^

Metro

Victor Neri, Troy Montero,Mico Palanca nambugbog sa Makati

-
Inireklamo kahapon ng pambubugbog ang mga aktor na sina Victor Neri, Troy Montero, Mico Palanca at ang negosyanteng si Jojo Manlongat matapos nilang pagtulungang gulpihin ang isang 21-anyos na binata noong nakalipas na Linggo ng madaling-araw.

Nagtungo kahapon sa himpilan ng pulisya sa Makati City ang biktimang si Lorenzo Gutierrez, ng 5 Las Villas, Valle Verde 2, Kaimito St., Pasig City na nagtamo ng mga galos at sugat sa katawan.

Ayon sa biktima, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw sa harapan ng Capones Bar sa kahabaan ng Herrera St., Makati City.

Sinabi pa ng biktima na nakasakay siya sa sasakyang Volvo ng kanyang kaibigan na minamaneho ng huli nang muntik nilang masagasaan ang aktres na si Aubrey Miles kasama ang mga suspect. Dahil dito, nagalit umano ang magkakasamang aktor at kinompronta ang nagmamaneho niyang kaibigan.

Nagkaroon na umano ng mainitang pagtatalo kung kaya nakialam siya at namagitan, gayunman siya ang pinagbalingang gulpihin ng mga suspect.

Inihahanda na ng pulisya ang kaso laban sa mga nabanggit na aktor. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AUBREY MILES

CAPONES BAR

HERRERA ST.

JOJO MANLONGAT

KAIMITO ST.

LAS VILLAS

LORDETH BONILLA

LORENZO GUTIERREZ

MAKATI CITY

MICO PALANCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with