^

Metro

Pamilya sinuwag nang hinoldap na taxi, kritikal

-
Nasa kritikal na kalagayan sa Orthopedic Hospital ang tatlong miyembro ng isang pamilya matapos ang mga ito ay mabangga ng isang rumaragasang hinoldap na taxi sa Quirino Highway kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Nelson Singma, 41, asawa nitong si Gloria, 38, at anak nilang si Elvin, 7. Ang mag-ina ay posible umanong putulan ng mga paa sanhi ng pagkadurog ng mga buto nito.

Naaresto naman matapos na gulpihin ng mga taumbayan ang dalawang holdaper na sina Romeo Gonzales,33 ng Pilar st., Tondo, Maynila at Sonny Nilo, 29, jeepney driver ng Sauyo road, Quezon City.

Sa ulat ng CPD-Station 3, pasado alas-11 ng gabi habang tumatawid ang mga biktima sa nasabing highway tapat ng Manotoc Subdivision nang ito ay mabangga ng taxi.

Napag-alaman na ang taxi ay hinoldap ng mga suspek kay Nilo Cruz, 27, ng Caloocan City.

Sa pahayag ni Cruz, sumakay sa kanya ang mga suspek sa kanto ng Sauyo road at magpapahatid sa 7th Avenue, Caloocan City.

Subalit pagsapit nila sa tapat ng Manotoc subdivision ay nagdeklara ng holdap ang mga suspek.

Pagkatapos na malimas ng mga suspek ang kinita sa maghapon ni Cruz ay tinangka pa siyang saksakin subalit lumundag ito palabas ng kanyang taxi.

Sa taranta ng mga suspek ay agad nilang pinasibad ang taxi hindi napansin ang papatawid na pamilya at kanila itong nabangga at pagkatapos ay bumangga pa ito sa isang nakaparadang sasakyan na naging dahilan para sila ay masakote ng taumbayan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

CALOOCAN CITY

CRUZ

MANOTOC SUBDIVISION

NELSON SINGMA

NILO CRUZ

ORTHOPEDIC HOSPITAL

QUEZON CITY

QUIRINO HIGHWAY

ROMEO GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with