^

Dalagita dinos-por-dos ng lasing na ama

() - December 26, 2001 - 12:00am
Sa matinding kalasingan, hinataw ng dos-por-dos ng isang ama ang kanyang anak na dalagita kamakalawa sa Muntinlupa City.

Nakakulong ngayon ang suspect na si Armando Natividad, 43, may-asawa, nakatira sa Sitio Bagong Silang, Brgy. Sucat ng lungsod na ito.

Samantala, ang biktima na si Annabelle Natividad, 16, nakatira sa nabanggit na lugar ay nilapatan ng lunas sa hindi nabanggit na pagamutan sanhi ng mga sugat, bukol at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa imbestigasyon ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente dakong alas-3 kamakalawa ng hapon sa nasabing lugar.

Maghapon umanong nag-iinom ng alak ang suspect at sa labis na kalasingan, napagbalingan nito ang anak na dalagita.

Nabatid na pinagalitan umano ng suspect nang walang dahilan ang biktima hanggang sa kumuha ito ng dos-por-dos at pinaghahataw nito ang nabanggit na dalagita. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANNABELLE NATIVIDAD ARMANDO NATIVIDAD AYON BRGY LORDETH BONILLA MAGHAPON MUNTINLUPA CITY MUNTINLUPA CITY POLICE NABATID SITIO BAGONG SILANG
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with