^

Metro

Dalagita ipinagahasa ng kaibigan kapalit ng shabu

-
Isang 15-anyos na dalagita ang ginahasa ng tatlong lalaki matapos itong ipagpalit sa shabu ng kanyang kaibigan, kamakalawa ng gabi sa Bago Bantay, Quezon City.

Luhaang nagharap ng reklamo sa Central Police District station 2 ang biktimang itinago sa pangalang Neslie, 3rd year high school student, laban sa mga suspek na sina Bryan Daz, 24, tricycle driver ng Cotabato st., Bago Bantay, QC at Alvin Aquino, 30. Pinaghahanap na ang isa pa nilang kasama na nakilala sa pangalang Jeff.

Ayon sa biktima, dakong alas-7 ng gabi kamakalawa ng makasakay niya ang suspek na si Daz sa likod ng SM City North Edsa hanggang sa kumbinsihin itong samahan ang suspek sa bahay ng kanyang kaibigan.

Pumayag ang biktima hanggang sa makita nito ang suspek na si Jeff at nagtungo naman sila sa bahay ni Aquino kung saan dinala siya sa isang silid at agad piniringan ang mga mata.

"May pinasinghot sila sa akin na ang pagkakaalam ko ay shabu saka nila ako hinubaran at isa-isa nila akong ginahasa," pahayag ng biktima.

Narinig din ng bikitma na may ibinigay na ilang gramo ng shabu si Aquino sa kaibigan niyang si Daz at alyas Jeff bilang kabayaran sa pagkakadala nito sa biktima.

Agad namang nagtungo sa pulisya ang dalagita at naaresto ang dalawa habang pinaghahanap na si Jeff. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ALVIN AQUINO

AQUINO

AYON

BAGO BANTAY

BRYAN DAZ

CENTRAL POLICE DISTRICT

CITY NORTH EDSA

DAZ

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with