Nora Aunor redefined beauty standards — Ricky Lee

MANILA, Philippines — More than just an award-winning “Superstar” and National Artist for Film and Broadcast, Nora Aunor redefined Filipinos’ perception of beauty, National Artist for Film and Broadcast Ricky Lee said in his eulogy today for his “Himala” colleague that starred in his 1982 screenplay directed by National Artist for Cinema Ishmael Bernal.
“Rebelde si Guy. Sa loob ng pitong dekada ay nilabanan n’ya ang status quo. Binago n’ya ang kolonyal na pagtinging nagsasabing mapuputi lang at matatangkad ang maganda sa puting tabing,” Lee said on how Nora defied norms that only the fair and tall were considered pretty in the silver screen.
According to Lee, through Aunor’s varied roles, she showed the real faces of a Filipina.
“Ginampanan n’ya ang mga papel ng mga babaeng palaban at makatotohanan. Naging mother s’ya, bilanggo, lesbian, NPA, OFW, kabit, anak na naging kaagaw ng ina sa pag-ibig, alalay… Muslim, Igorota… may Dementia at mamamatay-tao. Sa isang panahong ‘di tanggap ng mga tao na namamatay ang bida sa ending, namatay s’ya sa ‘Tatlong Taong Diyos,’ ‘Himala,’ ‘Nakaw na Pag-Ibig,’ ‘Andrea,’ ‘Flor Contemplacion,’ atbp.”
Lee first met Nora while shooting “Himala,” and from there, in her role as Elsa, she has connected with the masses with her unique charm, even despite a language barrier.
“Noong gabi, bago ang shooting ng finale kung saan sinabi n’yang ‘Walang Himala,’ nirevise ko ang buong monologue. Sinabi ni Ishma kay Guy, ‘One take lang tayo Guy dahil tatlong libo ang extra at walo ang kamera. ‘Opo direk,’ sabi ni Guy. Kinabukasan ay dineliver ni Guy ang monologue sa harap ng libong mga tao na karamihan ay Ilokano at hindi naiintindihan ang sinasabi n’ya. Pero nasa puso ni Guy ang masa. May paraan s’ya ng pagkonekta sa kanila na hindi laging nangangailangan ng mga salita.”
Besides the many facets of being a Filipina, Ate Guy, as Nora is fondly called, lent her face to Filipinos’ many emotions and aspirations.
“Marami s’yang binasag at binagong paniniwala. Ipinakita n’yang mahalaga ang nararamdaman ng mga taong nasa gilid ng lipunan. May mga boses na kailangang pakinggan. Pinili n’yang ‘wag lang maging Superstar, kundi maging isang tunay na artista ng bayan. Nilagyan n’ya ng hugis ang ating mga damdamin. Binigyan n’ya ng direksyon ang ating mga aspirasyon. Binigyan n’ya rin tayo ng pag-asa at tinuruang pwede tayong lumaban upang matupad ang ating mga pangarap. Ipinakita n’ya sa atin ang kapangyarihang ‘di nating akalaing mayroon pala ang ordinaryong tao…”
Lee recalled asking Nora why her eyes seemed to be full of sadness, to which the actress said, her mother took inspiration from Mater Dolorosa (Sorrowful Virgin Mary), ‘’Yung Birhen na may pitong punyal sa puso’.”
“Kaya siguro kahit na nakatawa s’ya, sa mga mata n’ya ay may lungkot pa rin. Puno ng contradictions si Guy – simple pero kumplikado, laging nakangiti pero sa loob ay maraming takot. Sobrang mahiyain pero sentro ng atensyon. Napakataas at nasa pedestal pero napakadaling maabot. Isang tao na ordinaryo na exkstraordinaryo. Sa loob ng halos pitong dekada, tayong mga ordinaryong tao ay ginawa rin n’yang ekstraordinaryo.”
More than her many awards and titles, Ate Guy, said Lee, is a mirror to our society.
“Noong 1993 ay naglibot sa iba’t ibang bansa ang dulang ‘DH’ na isinulat ko at pinagbidahan ni Guy. Nagpunta kami sa Central Park sa Hong Kong. Daang-daang DH ang andu’n. Halos bawat isa ay niyayakap ni Guy, kinukumusta kung anong mga problema nila. No’ng paalis na kami, lumingon ako at nakita ang mahigit sa 10 DH na lumuluha, humahabol sa van. Naisip ko, ‘Bakit ganito ang epekto ni Guy sa mga tao?’, ‘Bakit sila umiiyak?.’ Alam ko kung bakit – dahil nakikita nila si Guy sa kanilang mga sarili. Sila si Guy,” he said.
“Guy, sa ngalan ng milyon-milyung taong pinukaw mo, niyakap mo, pinahid moa ng luha, binago mo ang mga buhay, tanggapin mo ang aming walang hanggang pasasalamat. Nagpapasalamat kami dahil nabuhay kami sa isang panahong naririto ka. Minsang lang nangyayari ang isang Nora Aunor. Pero hindi pa tapos ang kuwento mo. Nagsisimula palang…”