^

Pang Movies

Alden, loyal sa Dabarkads?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Napansin ng netizens na sa pagsama ng hosts na sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Wally Bayola, Allan K, Ryan Agoncillo at Maine Mendoza sa pagpapaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) sa Eat Bulaga, nag-paid tribute naman si Alden Richards na isa rin sa hosts ng noontime show, sa pamamagitan ng Facebook caption niya ng:

“Loyalty. #Dabarkads Ako, Hanggang Dulo.” na may photo siya na nakaluhod sa harap ng logo ng ‘EB.’

Balitang may offer sa TVJ ang tatlong network, ang Net25, Cignal One Ph at TV5 para lumipat sila at doon mag-show.

Wala pang malinaw na usapan kung saan sila lilipat at kung sino ang magiging bagong producer nila.

Pero ang tanong ng netizens, makakasama ba si Alden sa kanila, na isang contract star ng GMA Network?

Meanwhile, balitang kasalukuyan nang niluluto ang bagong noontime show na mapapabilang daw ang Sparkle artists bilang hosts.

Sino kaya ang magdidirek nito?

Sunshine at Cesar, may niluluto!

Good news naman na mukhang Sunshine Cruz and Cesar Montano have put the past behind them, nang sabihin ni Sunshine na willing na siya to work with her ex-husband in future projects.

Ayon kay Sunshine, she was offered a role sa isang upcoming project ni Cesar.“Noong graduation ng anak namin, almost three hours kaming magkatabi sa upuan,” kuwento ni Sunshine. “So nasabi niyang meron siyang script, na he’s considering me to be a part of it. So, sabi ko, why not? Hindi ko pa alam kung ano ang project na iyon, pero it’s an “honor” to share the spotlight with him. Kung kaya ng schedule ko, gagawin ko. We are very much okay ni Cesar.  Ten years na ang nakaraan, kung may sugat man, naghilom na. I really think that time heals all wounds.”

Kasalukuyang napapanood si Sunshine sa Unbreak My Heart, ang first collaboration project between GMA Network, ABS-CBN, Dreamscape and Viu Ph., na napapanood Mondays to Thursdays, 9:35 p.m. sa GMA 7.

Paolo, hinahanapan ng ipon para sa mga anak!

Proud mom ang EB babe member at dancer na si Lian Paz, sa academic achievements ng kanyang mga anak sina Xonia at Xalene, sa dating husband niyang si Paolo Contis.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Lian ang elementary graduation ni Xalene at recognition ceremony namn ni Xonia, ang panganay niya na nag-top 1 at incoming second year high school na.  Si Xalene naman ang bunso, ay nagtapos ng elementary with honors.

IG post ni Lian ang photo nilang mag-iina, kasama ang fiancé niyang si John Cabahug.

Tanong lamang kay Paolo, natupad na kaya niya ang sinabi niya noon na may pinag-iipunan siya

para sa dalawa niyang anak kay Lian?

Bong at Beauty, simula na

Mamayang gabi na, 7:50 p.m. sa GMA 7 ang pilot telecast ng pinaka-riot na action-comedy series na Walang Matigas na Pulis Sa Matinik na Misis na nagtatampok kina Senator Bong Revilla, Beauty AGonzalez, Max Collins, Carmi Martin, Kate Valdez, Kelvin Miranda, Nikki Co at marami pang iba.

vuukle comment

TVJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with