^

Probinsiya

Tulong caravan sa Albay umarangkada

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Camalig, Albay, Philippines — Pormal na inilunsad ng Ako Bicol Partylist sa pangunguna nina Cong. Elizaldy Co at Cong. Raul Angelo Bongalon kamakalawa ang “Tarabangan Caravan” sa buong rehiyon bilang bahagi ng pagbibigay-tulong at pangunahing ser­bisyo sa mga lugar na hindi masyadong nararating ng serbisyo ng gobyerno.

Ang “Tarabangan (tulong) Caravan” ay unang ginawa sa mga bayan ng Manito at Camalig na dinagsa ng tinatayang nasa 5-libong mga mahihirap na mamamayan na karamihan ay sinamantala ang libreng medical and dental check-up, optical mission, libreng gamot, hygiene kits, gupit, masahe, tuli, feeding program at iba pa. Sa pangunguna ng DSWD ay isinabay na rin ang payout sa mga benepisyaryong magsasaka para sa tulong-pinansyal. Ginawa rin ang jobs fair para sa mga naghahanap ng trabaho.

Katuwang sa programa ang provincial government ng nasabing bayan, ang Department of Social Welfare and Development, iba’t ibang ospital, mga pribadong negosyante, non-government organizations at iba pa.

Ayon kay Cong. Bongalon, isa ito sa programang naisipan nila ni Cong.Co para matulungan ang lahat ng mga mamamayang bihira at hindi nararating ng pangunahing serbisyo. Dahil sa tagumpay ng programa sa Albay ay tuluy-tuloy na umano nila itong gagawin at isasabay na ang paglalagay ng pondo sa programa ng Ako Bicol Partylist taun-taon.

Inisyal munang tig-dalawang bayan sa bawat lalawigan ng Kabikulan ang ginawa nilang benepisyaryo kung saan pumili sila ng mga lugar na mas higit na nangangailangan ng tulong.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with