^

Entertainment

‘Moments To Memories ...To Mammaries?’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Moments To Memories ...To Mammaries?�
Quarantine Baby — Jakob Ethan, unang apo namin ni Eileen from Jak and Gill, that’s our son Jako and his wife Gillian. Gill on lockdown on May 1 broke her water and Jakob came crying after!

Talagang habang tao’y nasa Cuarentena,

Maraming nagagawa at naaalala!

Sa dami ba naman ng oras sa kamay nya,

Mahina ka na lang kung magmumukmok ka!

Ang pagsusulat sa aki’y nagpapasaya,

Wagi sa akin pag sarili’y napatawa!

Television talaga pinakapahinga

At sa social media may konting binabasa!

At nung May 5 may nakita akong maganda —

Post ni Mike Enriquez ‘di ko alam kung kanya!

Basta tungkol “moments” at sa kanyang halaga

Paglipas panahon at “memory”na lang sya!

Dun sa mga millennials at wala pang linya,

Ibabahagi lang ilang pagkakaiba —

Tulad makakatikim lang ng Coca-Cola

Kapag may natira sa baso ang bisita!

Ngek! Hindi yan! Sa akin lang yan na istorya!

Sweldo ko nun Two Hundred Pesos a month lang ba

Pero sa buong Pilipinas na’y kilala!

Dahil inaabot ng radyo malawak na!

Sigarilyo ko pa nun Pall Mall o Salem pa!

Taxi nga lang kaya ako ay bumarkada

Sa mga hijo de pu… este, puro pera!

Naka-Tsekot na ‘ko, Cadillac-kad hindi na!

Noon, Slum o Slam Book ang social media!

Up to now ang spelling hindi sigurado pa!

“What is Love?” at “Describe your crush” ang nangunguna,

But now may video pa, no questions asked… Hubad Na!

Ayon pa rin kay Imbestigador na lista,

Noon nakaka-Dyahe pag half slip nakita!

Ngunit ngayon kahit labas ang panty at bra,

Pati kuyukot at pusod balewala na!

Nung araw nga nagtatakip pa ang dalaga

Ng abaniko kapag siya ay tatawa,

Kunsabagay ngayon kahit ‘di tumatawa,

Nakatakip ng face mask kahit sa’n magpunta!

Noon pagyuko ng isang Maria Clara,

Tutop na ng kamay ang dibdib kapagdaka!

Ngayon pag may babaing nagtali ng shoes nya,

Lalaking nandun nakasunod mga mata!

Kung sa kabila ng bakod ako pupunta,

Dahil ako’y isinilang na isang Libra,

Ating timbangin at wag lagyan ng malisya,

Mga babae nun wala ngang suot na bra!

Aha! Kaya siguro mga boys nung una,

Nag-iigib, nagsisibak, nanghaharana

Upang makita ang dalaga na walang bra!

Ano kaya masasabi ni Tandang Sora?

Subalit nagbabago ang tao talaga,

Pagkapanganak mo nga nila-lullaby ka,

Time goes by… from Lullaby to Lola… then Bye na!

‘Di gaano kultura, higit sa postura!

Naturalmente sumasabay din dyan moda

At mga dahilan din nama’y iba-iba

Tulad na lang kung bakit nagkaroon ng bra,

Sa mga Pinay minana lang at gumaya!

Nung una pangsapo lang sa dibdib talaga,

Hindi pa talukap at tasa bawat isa!

Iba naman kung bakit nagsuot sa Pransya —

Nang matakpan mga hickey at kiss marks nila!

Hindi kaya acronym lang salitang BRA?

Bagsak Remedyo’t Alalay hindi kaya sya?

Nabanggit ang Tasa kasi may Cup size sila!

At kung walang bra magka-Capsize ang dalawa!

Ang tasa ay kaugnay sa pagiging ina

Ng isang babae pagkat dun makukuha

Ang pagkain at sustansya nyang dala-dala

Para sa atin nung tayo pa’y kinakarga!

Moments to Memories to Mammaries napunta?

Ngek! Yan ang nagagawa ng La Cuarentena!

Like a newborn baby ang feeling ko talaga

Pagkat sa quarantine tulog nang tulog lang ba!

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with