^

Metro

Marikina Christmas Shoe Bazaar, bukas na!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos na matigil ng isang taon dahil sa pan­demya ng COVID-19, muli nang binuksan ng Marikina City government ang Christmas Shoe Bazaar sa lungsod kahapon.

Mismong si Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro ang nanguna sa pagbubukas ng bazaar, kasama ang kanyang asawang si Maan, na tumatakbo sa halalan para sa 1st Congressional District ng lungsod; Vice Mayor Marion Andres; city councilors; at mga opis­yal ng Philippine Footwear Federation, Inc. (PFFI), na pinamumunuan ni Chairman Antonio “Tony” Andres.

Ayon kay Teodoro, ang naturang bazaar ay matatagpuan sa Freedom Park, sa tapat ng Marikina City Hall, at mananatili itong bukas hanggang sa Enero 15, 2022.

Layunin aniya nang pagbubukas ng bazaar na matulungan ang mga local shoemakers na naapektuhan ng pandemya at muling mabuhay ang industriya ng sapatos.

“Naniniwala ako na ang sapatos, lalo na dito sa Marikina, hindi mawawala. Hindi tayo pwedeng igupo ng ano mang pandemya o ano mang pagsubok. Alam niyo kung bakit? Mahal natin ito eh,” ayon pa sa alkalde.

Matatandaang noong 2020 ay nagpasya ang city government na huwag na munang idaos ang taunang shoe bazaar dahil sa health restrictions na dulot ng pandemya ng COVID-19.

Dahil naman sa patuloy sa pagbaba ng mga naitatalang bagong kaso ng sakit sa bansa, nagpasya na ang lokal na pamahalaan na muling buksan ang bazaar ngayong taon.

Nasa 40 manufacturers na binubuo ng mga footwear at leather-goods makers ang lumahok sa bazaar.

vuukle comment

CHRISTMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with