Goodbye UP!
Lina lalaro sa San Beda
MANILA, Philippines — Tuluyan nang nilisan ni Bismarck Lina ang kampo ng University of the Philippines para samahan ang San Beda University sa kampanya nito sa NCAA men’s basketball tournament.
Pormal nang inihayag ni Lina ang paglipat nito sa Red Lions kung saan sasailalim ito sa isang taong residency bago tuluyang makasama ang Mendiola-based squad sa Season 100 ng liga.
Malaki ang pasasalamat ni Lina sa mainit na pagtanggap ng San Beda sa kanya.
“Thankful ako dahil welcome ako sa kanila,” ani Lina.
Umaasa si Lina na mas lalo pang mahuhubog ang talento nito sa San Beda lalo pa’t maganda ang programa ng unibersidad sa basketball.
Nagpasalamat ito sa pamunuan ng Fighting Maroons, sa coaching staff nito at sa kanyang mga naging teammates sa naging magandang karanasan nito habang naglalaro ito sa UP.
Itinuturing nitong isang pamilya ang UP kaya’t malaki ang tatanawin nitong utang na loob sa unibersidad.
Dalawang seasons itong naglaro sa UP.
- Latest