^

Bansa

644 OFWs mula Kuwait na-repatriate

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng isang opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) ang repatriation ng 644 OFWs mula sa Kuwait pabalik ng Pilipinas mula nitong buwan ng Mayo.

Sinabi ni Undersecretary Hans Cacdac na ang 644 ay mga “distressed OFWs” na may mga kinakaharap na labor cases, may problema sa mga employers, at mga overstaying na ang kanilang visa o mga nagtatrabaho na walang work permits.

Hindi naman makumpirma ni Cacdac ang impormasyon na may 302 Filipinos na napa-deport ng Kuwaiti government kamakailan.

Matatandaan na iginiit ng Kuwaiti government sa Pilipinas na isara ang mga ‘shelters’ para sa mga OFWs na tumakas sa kanilang mga employers. Hindi naman ito sinunod ng Pilipinas dahil sa kailangan umano ang naturang mga shelters bilang proteksyon sa mga manggagawang Pilipino na inaabuso ng mga employers.

Iginiit ni Cacdac na hindi mga takas ang mga Pilipino na nananatili sa mga shelters ngunit mga “distressed workers”. Ipinaliwanag na nila ito sa Kuwaiti government na lugar para ligtas na manatili ang mga Pinoy habang pinoproseso ang pagbabalik nila ng Pilipinas.

Nitong umpisa ng taon, itinigil ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga domestic workers sa Kuwait makaraang matagpuan ang labi ng 35-anyos na OFW na si Jullebee Ranara, sa disyerto.  Nabatid na pinaslang siya ng 17-taong gulang niyang amo na inaresto ng mga awtoridad.

Dito nagkaroon ng tensyon sa dalawang bansa, nang gumanti ang Kuwait ng suspensyon ng lahat ng visa ng mga Pilipino na nasa kanilang teritoryo.

vuukle comment

OFW

WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with