Aktibong kaso ng COVID-19 sa Gapo, tumataas
August 26, 2021 | 12:00am
OLONGAPO CITY, Philippines — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod na umabot na sa 530 matapos makapagtala ng panibagong 32 kaso at sa kabuuan ay nasa 3,614 na ang bilang ng kumpirmadong kaso sa lungsod.
Nasa 2,893 naman ang lahat ng mga gumaling kabilang ang 6 na pasyente. Nananatili naman sa 191 ang bilang ng mga nasawi, ayon sa huling ulat ng lokal na pamahalaan.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Recommended