fresh no ads
Jennica, inaming dalawang taon nang hiwalay kay Alwyn | Philstar.com
^

Lifestyle Features

Jennica, inaming dalawang taon nang hiwalay kay Alwyn

RATED A - Aster Amoyo - The Philippine Star

Ang buong akala ng marami ay nagkabalikan din last year ang (dating) mag-asawang Jennica Garcia at Alwyn Uytingco pero hindi pala.

Sa isang recent interview sa panganay ng seasoned singer-actress na si Jean Garcia at dating actor na si Jigo Garcia, inamin nito na dalawang taon na umano silang hiwalay ni Alwyn at nasa kanyang pangangalaga ang kanilang dalawang anak na sina Athena Mori at Alexis Severina.

It was on Feb. 12, 2014 nang lihim na magpakasal sina Jennica at Alwyn sa isang Christian wedding kaya hindi na nila masi-celebrate ang kanilang ika-9th wedding anniversary sa araw na ito ng Linggo, Feb. 12, dahil hiwalay na sila at nakabukod na silang mag-iina ng tirahan kay Alwyn.

Panganay na kapatid ni Kristine, ikakasal na ulit!

Magiging June bride ang nakatatandang kapatid ng aktres na si Kristine Hermosa na si Kathleen Hermosa dahil nakatakda itong ikasal sa kanyang Cebu-based fiancé na si Miko Santos sa darating na Hunyo.

Wala pang ibinibigay na detalye si Kathleen na may kinalaman sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib ni Miko at kung sa Cebu na rin magbi-base ang aktres tulad nina Donna Cruz, Kaye Abad, at Lian Paz, ang ex-wife ng Kapuso actor na si Paolo Contis.

Si Kathleen ay annulled na sa kanyang non-showbiz ex-husband.

vuukle comment

JENNICA GARCIA

Philstar
x
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with