Hunyo 18, 2022

GEMINI: (May.21-Hun. 21) May maganda at pangit na pangyayaring lilitaw tungkol sa iyong pribadong buhay. Pero huwag mabahala at sa bandang huli ay tiyak na ikaw ang magwawagi. Isang kaibigan ang igigiit ang kanyang gusto na labag sa iyong kalooban. Lucky numbers at color for the day ang 15, 16, 36, 37 at light gray.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Dahil sa taglay na kasiglahan, marami kang magagawa. Pero maging kalma sa dapit-hapon, dahil magiging mainitin ang ulo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 19, 22 at yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kung ang kasama mo ngayon ay isang Pisces o Aries, magiging aktibo ka sa pagkilos, masayahin at maraming matututuhan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 23 at sky blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kung may alitan sa loob ng tahanan o sa trabaho, posibleng manunumbalik ang harmoniya kung magpapakumbaba. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 20, 32 at neon green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Kung ang pangako ay maisasakatuparan, dadaloy ang suwerte sa’yo. Kabaligtaran kung ‘di tutupad sa pangako. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 34, 40 at red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung masama ang pakiramdam, pahinga ang dapat.  Kasaganahan at kaligayahan ang naglalandas sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 25, 35 at aqua blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maging laging handa sa anumang darating. At ang inaakalang ikakaunlad ng sarili, sunggaban agad. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 14, 41 at sky blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Isang Gemini ang magbibigay ng problema. Ngunit huwag mabahala sapagkat isang Cancer o Taurus ang magpapasaya sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 13, 31 at fuchsia.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Palampasin at huwag patulan ang maririnig na salita. Umiwas sa gulo dahil inggit ang namamayani sa promotor. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 29, 31 at tangerine.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung may date, huwag mainip dahil male-late ang kausap. Ang transaksyon ay pag-aralan ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 24, 34 at beige.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kabaligtaran ang mangyayari, ang inaakalang tama ay magiging mali. Kaya ipinapayong ma-ging maingat sa tuwina. Lucky numbers at color for the day ang 13, 29, 31, 40 at pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung magiging mahinahon sa pagkilos, maiiwasan ang makasakit ng kapwa at ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 11, 26, 28, 39 at white.

Show comments