Hunyo 17, 2022

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Malaking pagkakataon ang nasa iyo para pag-aralang mabuti ang negosyong inaalok. Huwag basta pumasok sa anumang bagay na hindi tiyak ang kalalabasan. Kumunsulta sa dalubhasa kung may pagdududa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 6, 30, 41 at off-white.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magiging magaan ang tulong kung bukal sa puso ang pagbibigay. Tiyakin na mapapasakay ito ng nangangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 30, 37 at antique gold.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang dinaranas na katamlayan ay maaaring nagmula sa kapaguran sa mga nakaraang araw. Pahinga ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 20, 33 at oak brown.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Masamang balita dahil may hindi inaasahang pagkakagastusan. Kung ano man ang naitabi ay puwersahang mailalabas. Lucky numbers at color for the day ang 8, 17, 39, 45 at baby pink.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Hindi magiging komportable sa biro ng ilang tao na makakahunta-han, kaya hangga’t maaari iwasan ang grupo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 20, 30 at orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang pangangailangan ay nasa iyo ngayon. Dito mo mapagtatanto kung sino ang tunay na kaibigan sa nagpapanggap lang. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 20, 36 at avocado green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Habang may buhay ay may pag-asa, ika nga. Malaki ang chances na ang inaasahan ay darating o matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 32, 43 at turquoise.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang kahihinatnan ng kapusukan ay kapahamakan, na dapat mong supilin dahil ito ang maging damdamin mo. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 26, 34 at opal.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Walang perpekto kaya pag-aralan kung ano ang mga pagkukulang na nagawa. Ituwid ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 20, 31 at beige.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Huwag hayaang ma-gkaroon ng malaki ang hidwaan sa inyong magkaibigan o magkasintahan. Mag-usap. Lucyk numbers at color for the day ang 5, 7, 10, 25 at mocca.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Iwasan na ipakipagsapalaran ang perang pang-negosyo o pang-gastos. Tantanan ang sugal. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 36, 42 at chocolate brown.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) May mga pangyayari na kailangang sundin ang damdamin. Dapat ipaalam ang desisyon sa kapareha. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 27, 40 at cream.

Show comments