Hunyo 16, 2022

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Magkakaroon ka ng maikling paglalakbay tungkol sa negosyo o personal. Good news! Dahil inaayunan ng panahon na maging positibo ang resulta ng iyong lakad. Kung anuman ang nasa isip, gawin dahil kaunlaran ang naghihintay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 29, 36 at royal blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Maging realistic at praktikal sa kabila ng pag-aalinlangan sa dapat gawin. Ang hindi inaasahan ay darating. Lucky numbers at color for the day ang 15, 17, 23, 26 at lavender.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kakambal ng pag-ibig at pagmamahal ang tiwala. Kung sisibol ang pagduda, dapat lamang ang masinsinang komprontasyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 35, 42 at sun yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Wow, good news para sa iyo dahil may hatid na suwerte ang araw sa mga Virgo. Subalit dapat kang kumilos agad para rito. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 16, 28 at peach.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Kasaganahan ang hatid ng signos. Maaaring maging masagana sa pag-ibig, pagkain, pera o kagamitan. Maging masinop. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 23, 37 at burgundy.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Upang hindi mapasubo, iwasan ang mapasali sa usapan ng intriga. Makakabuti ang manahimik at makinig na lamang. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 21, 32 at scarlet.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Bad news para sa iyo dahil dapat mong iwasan ang outing o night affair para malayo sa malaking problema. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 31, 40 at orange.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magiging masaya at masigla ang iyong araw dahil sa pag-ibig. Tama ang panahon para magsipag at magsikap. Lucky numbers at color for the day ang 14, 22, 36, 40 at violet.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Magiging angkop ang araw para bawiin ang iyong pagod sa mga nakaraang araw. Magiging masaya ang araw. Lucky numbers at color for the day ang 1, 18, 28, 32 at gray.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung buo ang loob, makakamit ang ninanais. Pairalin ang sipag at tiyaga. Nasa landas ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 11, 2o, 31, 45 at rainbow.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Magandang balita dahil isang Virgo o Capricorn ang magbibigay ng sorpresa, kaligayahan o tulong sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 10, 24, 31 at electric blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Hindi normal sa tao kung walang problema, huwag mag-alala dahil ang pinagdaraanan ay malalampasan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 27, 30 at maroon.

Show comments