Hunyo 8, 2022

GEMINI : (May.21-Hun. 21) May pagkakataong makakagawa ng bagay na kapaki-pakinabang sa pamilya. Hindi magiging makatwiran ang gawain sa paningin ng nakararami, posible ang eskandalo. Ang labis na pagseselos ang kikitil sa relasyon, supilin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 31, 34 at wine red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Iwasan ang maging masalita at baka maka-offend. Magiging abala ka sa paggawa sa loob ng bahay. Lucky numbers at color for the day ang 3, 14, 33, 43 at purple.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Angkop ang pagpapa-yaman ng katalinuhan at karanasan sa araw na ito. Ang mga gintong-aral sa buhay ay magagamit ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 23, 32 at peach.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) May kahirapang pakibagayan ang mahal sa buhay. Kailangan ng pang-unawa at mahabang pasensya. Lucky numbers at color for the day ang 13, 19, 23, 33 at lavender.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Ang panahon ay umaa-yon sa mga binabalak. Ipagpaliban ang pakikipag-date. Matatagpuan ang sarili sa harap ng hamon. Lucky numbers at color for the day ang 7, 10, 26, 38 at navy blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) May masayang pangyayari ang mararanasan. Iwasan ang anumang uri ng pakikipagsapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 18, 21 at violet.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang magmadali sa pagpapasiya ay malapit sa panganib. Huwag magtiwala sa mga makakatagpo o bagong kakilala. Lucky numbers at color for the day ngy 5, 8, 22, 28 at fuchsia.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magandang kapalaran ang naghihintay. Maaa-ring may payo ang isang kaibigan sa kalagayang pinansiyal o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 22, 29, 32, 35 at honey yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Tuparin ang pangako para mapanatili ang dignidad. Anumang transaksyon sa negosyo, isagawa sa umaga. Lucky numbers at color for the day ang 10, 15, 24, 40 at avocado green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Pag-aralan ang mga bagay na gumugulo sa isipan. Kung hindi nakakasiguro sa gawain, magtanong. Lucky numbers at color for the day ang 7, 10, 32, 45 at indigo.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) May sikretong  matutuklasan. Posibleng isang bagong kakilala ang magpapatibok ng puso. Magiging happy ka. Lucky numbers at color for the day ang 9, 21, 29, 39 at indigo.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Isang matalik na kaibigan ang maghahatid ng good news. Ang magandang kapalaran ay umaayon sa kalagayan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 19, 32 at green.

Show comments