^

Kutob

Mayo 22, 2022

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI: (May.21-Hun.21) Ngayon na malayo ka sa piling ng mga magulang saka mo mapagtatanto ang kahalagahan ng mga sermon nila sa iyo. Alalahanin na tanging ikabubuti mo lang ang hangad nila.  Sundin ang mabuti, iwaksi ang makakasama. Lucky numbers at color of the day ang 09, 14, 25, 39 at Cream.

CANCER: (Hun.22-Hul.22) Hindi pa establisado ang iyong trabaho, kaya pag-laanan ito ng atensyon. Malakas ang hatak mo sa kapwa, marami kang kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 15, 16, 31, 43 at Light blue.

LEO: (Hul.23-Ago.22) Kung may trabaho at gustong humingi ng dagdag na sahod, patunayan mo muna kung karapat-dapat kang bigyan. Lucky numbers at color of the day ang 08, 11, 23, 36 at Tangerine.

VIRGO: (Ago.23-Set.23) Mapapasakamay ang bagay na inaasahan su-balit kaunting tiyaga ang kailangan. Kung may appointment, sa umaga gawin. Lucky numbers at color of the day ang 02, 07, 38, 42 at Green.

LIBRA: (Set.24-Okt.23) Kung buo ang loob at magtitiyaga sa trabaho, may tsansang mag-iba ang ihip ng kapalaran sa mga susunod na araw. Lucky numbers at color of the day ang 07, 23, 35, 43 at Purple.

SCORPIO: (Okt.24-Nob.22) Kapos at kulang ang iyong pera kaya ang planong pagbabyahe ay ipagpaliban muna. Ang inaasahang tulong ay darating. Lucky numbers at color of the day ang 10, 22, 37, 44 at Blue.

SAGITTARIUS: (Nob.23-Dis.21) Posibleng masaktan ka dahil sa pag-ibig. Ngunit may mga kaibigan na handang dumamay. Huwag tanggihan ang alok. Lucky numbers at color of the day ang 14, 21, 29, 40 at Indigo.

CAPRICORN: (Dis.22-Ene.19) Maganda ang araw para sa iyo, kung hindi ka mapipikon sa biro, kantiyaw o pang-aasar ng nakapaligid. Lucky numbers at color of the day ang 13, 17, 36, 38 at Orange.

AQUARIUS: (Ene.20-Peb.18) Maaaring makasakit ng kapwa o ikaw ang masasaktan. Mag-ingat, pag-isipang mabuti ang bawat salitang bibitiwan. Lucky numbers at color of the day ang 12, 14, 26, 37 at Violet.

PISCES: (Peb.19-Mar.20) Dahil sa pagka-simple at mabait,  irereto ka sa isang matalik na kaibigan. Kilalanin muna siya ng mabuti.Lucky numbers at color of the day ang 05, 09, 18, 34 at Apple green.

ARIES: (Mar.21-Abr.19) Isang ahente ang magbibigay ng impormasyon tungkol sa lupa’t bahay na gusto mong bilhin. Pakinggan ang suhestiyon. Lucky numbers and color of the day ang 04, 08, 28, 36 at Emerald green.

TAURUS: (Abr.20-May.20) Magiging mainitin ang iyong ulo, ngunit may mangyayaring magpapasaya sa bandang tanghali hanggang gabi. Lucky numbers at color of the day ang 15, 22, 27, 39 at Pink.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with