^

Kutob

Marso 25, 2022

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Kung may karamdaman iwasang uminom ng gamot na hindi inireseta ng doktor, baka ma-allergy ka. Iwasan ang magbuhat dahil may kahinaan ang likod at baywang. Kung gagamit ng mga matatalim at matutulis na bagay, doblehin ang pag-iingat. Lucky numbers at color for the day ang 7, 8, 39, 43 at ocean blue.

TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) Masaya ang gagawing pakikisalamuha sa ibang mga tao. Ngunit mag-ingat dahil may banta na may mawawala sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 14, 41 at violet.

GEMINI: (May 21- Hun. 21) Kung tutuusin kayang-kaya ang mga gawain. Subalit sa labis mong tiwala sa sarili, magkakamali ka. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 19, 24 at yellow.

CANCER: (Hun. 2 - Hul. 22) Kung may oportunidad na makapagpatayo ng negosyo, dapat simulan ngayon. Magiging maunlad ito ayon sa suwerte mo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 17, 29 at white.

LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) Magiging maikli ang iyong pasensya at may gawain na basta mo na lang iiwan. Maging kalmado lalo na sa hapon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 35, 37 at red.

VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) Wala kang pagdududa sa sarili at malakas ang loob na sumubok ng bagong istratehiya. Hindi mo ikakahiya ang resulta nito. Lucky numbers at color for the day ang 6, 26, 31, 36 at fuchsia.

LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) Kung hindi ka mag-iingat, ikaw ang pagmumulan ng gulo. Mahalaga para sa’yo ang makisama ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 36, 39 at aquamarine.

SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22) Gawing presentable palagi ang sarili dahil ito ang malaking puhunan para magtagum-pay sa propesyon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 29, 33, 39 at orange.  

SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) Isang matagal na pro-blema ang mabibigyan ng katugunan. Dahil sa isang programa sa TV, magkakaideya ka. Lucky numbers at color for the day ang 12, 29, 32, 38 at cream.

CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) Mag-ingat sa mapagsamantala. Kahit abala at maraming gagawin, ‘di makakatanggi sa hihingi ng tulong. Lucky numbers at color for the day ang 4, 23, 28, 37 at blue.

AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) Nakadepende sa gagawing hakbang ang kahihinatnan ng gawain. Huwag magmalabis, lumaban ng patas. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 34, 42 at brown.

PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20) Huwag asahan ang pangarap. Kumilos para magkatotoo ang mga plano. Sipag at tiyaga ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 34, 41 at green.

vuukle comment

LUCKY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with