^

Kutob

Hunyo 2, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Labis na mangungulila sa kasintahan o minamahal pero walang magagawa kundi magtiis dahil sa pangangailangan. Isipin na pagsubok sa relasyon ang magkalayo para lalo kayong tumibay. May matamis na bungang pipitasin sa pagsisikap at paghihirap. Lucky numbers at color for the day ang 3, 18, 25, 30 at mint green.

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Anuman ang gawin, ituloy basta nakakatiyak na hindi makakasagasa ng kapwa. Sarili ang higit na nakakaalam sa gusto. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 34, 43 at brown.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kung may plano, isipin munang mabuti kung ano ang hakbang at unang sisimulan. Tiyakin na ma-ging organisado ang bawat kilos. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 31, 39 at white.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Gawin ang paraan para maibalik ang tiwala sa sarili. Hindi makakabuti kung negatibo ang laging nasa isip. Lucky numbers at color for the day ang 4, 24, 31, 40 at carnary yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Asahan na maraming trabaho ang gagawin ngayong araw. Matatapos ang mga gawain kung iiwasan ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 12, 26, 34, 41 at blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Magpakatatag dahil tapat ang pangako ng Maykapal. Ang papasok sa tenga kung ‘di kaaya-aya ay ilabas lang sa kabila. Lucky numbers at color for the day ang 7, 9, 12, 23 at maroon.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maging tapat sa sarili at kapwa. Iwasan ang magkunwari at ang pagkaplastik. Huwag maniwala sa sabi-sabi. Lucky numbers at color for the day ang 10, 29, 31, 42 at beige.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Hindi inaasahan na makasalubong ang mga dating kaibigan. Tiyak maraming oras ang magugugol sa pagkuwentuhan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 37, 45 at fuchsia.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Marami ang umaasa sa iyong magagawa. Huwag matakot na mabigo dahil ito ang daan sa pagtuwid ng pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 32, 42 at sky blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Hindi maiiwasan ang kumpetensiya sa kahit anong larangan. Gawin ang nararapat nang hindi nakikipagpaligsahan. Lucky numbers at color for the day ang 12, 25, 35, 44 at lavender.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Piliin ang sasamahang kaibigan at pupunta-hang lugar. May pagkakataon na makakilala ng taong makakatulong sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 31, 43 at ivory.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung mainit ang ulo, magpalipas muna bago humarap sa mga tao. Huwag idamay ang iba sa problema mo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 26, 30 at lilac.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with