^

Kutob

Mayo 20, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magbibigay ng suwerte ang pagiging masayahin at palaging positibo ang pag-iisip. Huwag magmukmok sa isang tabi at isipin na lang ang problema. Ang mabuti pa’y gumalaw at gumawa ng makabuluhang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 23, 40 at cream.

GEMINI: (May.21-Hun. 21)  Sa gulong ng buhay, minsan nasa ibaba at minsan ay nasa itaas. Kung hikahos ang dinaranas, huwag mabahala dahil lalandasin ang ginhawa. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 22, 42 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22)  Kung may lihim, malamang matutuklasan. Huwag matakot na ilantad ang katotohanan kung nasa katwiran. Lucky numbers at color for the day ang 7, 24, 40, 42 at silver o gray.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22)  Masuwerte ka ngayon sa negosyo o hanap-buhay, pero magiging kabaliktaran sa larangan ng pag-ibig. Iwasan muna ang gumala. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 19, 35 at brown.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Iwasan ang maging mapagpuna dahil ang balik ay sampung doble sa sarili. Maging positibo at huwag mag-alinlangan sa gawain. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 17, 22 at lilac.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) . Kung empleyado, maipapamalas ang angking talino at istilo sa trabaho na ha­hangaan ng boss. Iwasang mapasubo sa pakikipagsapalaran. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 15, 31, 43 at maroon.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Matutuwa dahil nasa panig ng kaunlaran ang lahat ng pagsisikap at malasakit sa kapwa. Tumatahak sa tamang landas kung papanig sa tama. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 22, 42 at orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21)  Maging praktikal. Sa hirap ng buhay, iayon sa budget ang gastusin. Kung kagipitan ang dinaranas, kaun­ting tiyaga at makakaraos din. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 23, 40 at butter yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Repasuhin ang mahala­gang bagay sa trabaho at baka may makalimutan. Maging alerto upang walang makaligtaang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 32 at beige.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18)  Iwasang magpadalus-dalos sa paglagda ng mahalagang papeles. Magtanong sa nakakaalam kung hindi tiyak at hindi ito maunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 5, 21, 34 at gray.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20)  Malaki ang pag-asa na magtagumpay sa pag-ibig. Anumang bagay ang lumihis noon, tiyak manunumbalik ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 12, 27 at electric blue.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ipagpaliban ang planong paglalakbay. Sumunod sa panununtunan ng gobyerno. Mag-relax lang muna sa bahay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 19, 25 at mint green.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with