^

Kutob

Mayo 17, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung makipag-sapalaran sa pag-ibig, matatamo ang magandang resulta. Kung makipagsapalaran sa negosyo, ito ang unang hakbang sa pag-angat. Iwasan ang makipagsapalaran sa sugal. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 32, 39 at sky blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Malamang isang matalik na kaibigan ang magtatraydor. Kung ayaw magkaroon ng kagalit, huwag mangutang o magpautang. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 27, 39 at yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Hindi inaasahang makakadalo sa isang pagtitipon. Makakakilala ng makapagpapatibok ng puso at malamang ma­ging katuwang sa habam-buhay. Lucky numbers at color for the day ang 13, 25, 34, 40 at red.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Naghihintay ang magandang kapalaran sa personal na hangarin, kaya kilos agad. Masosolusyunan ng tama ang mga suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 24, 33, 40, 44 at orange.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Mag-ingat dahil may kahinaan ang katawan mula baywang hanggang talampakan. Iwasan ang magbuhat ng mabigat. Lucky numbers at color for the day ang 11, 14, 27, 37 at peach.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kagipitan at panga­ngailangan sa pera ang problema dahil sa gastusin. Anuman ang suliranin ay may katapat na solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 27, 40 at citrine yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) May kaibigan na handang magmalasakit o maghandog ng tulong kung kakailanganin. Ang minamahal ay maaasahan sa lahat ng bagay. Lucky numbers at color for the day ang 12, 28, 33, 39 at jade green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Huwag sumuong sa isang bagay kung may pag-aalinlangan. Kung may gagawin, mag-ingat sa matatalas at matutulis na kagamitan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 26, 34, 41 at blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Sa hanapbuhay, negosyo at pag-ibig, masu­werte ka ngayon. Magiging magaan ang buhay, pero alalahanin na dapat paghandaan ang bukas. Lucky numbers at color for the day ang 14, 16, 39, 42 at garnet.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang pagbabagong magaganap sa trabaho o sa tahanan ay ikatutuwa ng pamilya. Simulan ang magsariling sikap. Lucky numbers at color for the day ang 14, 32, 38, 43 at honey yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung may plano, tiyakin na magawa sa lalong madaling panahon. Huwag mag-aksaya ng oras at baka ang suwerte ay lumayo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 25, 39 at light green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) May kaibigan na walang pakialaman at kaibigan na dadamayan ka sa hirap at ginhawa. Kaya kilatisin ang taong kakaibiganin. Lucky numbers at color for the day ang 1, 5, 21, 36 at tangerine.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with