^

Kutob

Mayo 11, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magiging masaya ang pakikisalamuhang sosyal kung bibigyan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at pakikisama ay dapat pairalin. Bigyang-halaga at panahon ang pag-aalaga ng kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 18, 36 at yellow.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Madaling pakitunguhan ang mga kaibigan o kaanak. Ang samahang pangkaibigan ay posi­bleng mauwi sa pag-iibigan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 16, 31 at navy blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang mga kaibigan ay maaasahan ng tulong kung kailangan. May pagka­sensitibo ang minamahal kaya sikaping magparaya. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 33, 41 at strawberry red.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang nakaraang suliranin ay maaaring makalimutan o magkaliwanagan sa kinauukulan. Magaan ang magiging pagsisimula ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 11, 20, 34, 41 at royal blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng pagkakataong mapag-samantalahan ang kabaitan. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 3, 24, 38, 41 at lavender.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Bagong pag-ibig ang gigi­sing sa iyong damdamin. Ang mahalagang bagay na gustong gawin ay maipagpapaliban. Lucky numbers at color for the day ang 4, 12, 23, 38 at brown.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Hindi magiging abala su­balit maraming mahahalagang gawain ang matatapos. Panindigan ang prinsipyo upang hindi maloko ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 21, 37 at jade green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Umaayon ang panahon sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan. Kailangan ang pagsasaayos ng mga gastusin. Makiisa sa mga kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 34, 38 at white.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) I Isang bagong relasyon sa pag-ibig ang magbibigay sigla sa kilos at damdamin. Sikapin na laging maging pokus sa gawain. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 28, 32 at avocado green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Isang kamag-anak o kasamahan ang maghihinanakit sa iyo. Tandaan na mas mabiyaya ang nagbibigay kaysa tumatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 18, 41 at tangerine.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang minamahal ay hindi magkakait ng tulong kung kailangan. May pagkakagastusan na kakaharapin. Maging handa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 33, 40 at orange.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Magiging lubos ang kaligayahan kung kasama ang minamahal. Mag-ingat sa paggastos upang may maitabi para sa kakaila­nganin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 29, 37 at pink.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with