^

Kutob

Mayo 7, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20)  Ang komplikasyon tungkol sa pera sa nagdaang panahon ay magkakaroon ng kalutasan. Matatagpuan ang sarili sa harap ng alanganing situwasyon. Huwag pansinin ang mga usapan na walang halaga. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 16, 32 at aqua blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21)  Huwag mag-alinlangan sa iyong partner. Tiwala ang pairalin sa iyong mahal. Ngunit tiyakin ang sarili bago pumalaot. Mag-i­ngat. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 26, 27 at fuchsia.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Aabalahin ang sarili sa paggawa sa loob ng ta­hanan. Sa paraang mahinahon ang problema ay malulutas.  Lucky numbers at color for the day ang 9, 22, 29, 33 at electric blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22)  Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na pag-aalaga. May payong matatanggap mula sa kaibigan. Pag-isipang mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 22 at dollar green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23)   Malaking pasasalamat ang tulong ng isang kaibigan. Huwag ituloy ang isang bagay kung ‘di alam ang kahihinatnan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 32, 39, 42 at pink.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23)  Ang mga taong malapit sa kalooban ay pahalagahan. Magpasalamat sa pagtanggap ng mungkahi, laluna ng malapit na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 12, 15 at turquoise.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22)  Tama ang panahon sa pagpapayaman ng katalinuhan at karanasan. Ang nagmamalasakit na magulang o kapatid ay pasa­lamatan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 14, 20 at sky blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21)  Maging matalino sa usa­ping pananalapi pero pa­natilihin ang puso sa bawat pagpapasiya. Ga­wing inspirasyon ang pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 20, 40 at citrine yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19)  Kung may transaksyon sa negosyo, dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriin mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Lucky numbers at color for the day ang 1, 6, 19, 37 at red.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung ang nasa kalooban ay tapat at walang pagkukunwari, nasa tamang landas ka ng tagumpay. Mag-ingat sa mga taong inggit. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 16, 34 at honey yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20)  Mayaman ang guni-guni na mapapakinabangan sa kaunlaran. Matatapos ang gawain na sinimulan. Umiwas sa istorbo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 19, 41 at jade green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ang payo tungkol sa pinansiyal ay pag-aralang mabuti. Huwag madaliin lalo na kung maselang bagay para hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 19, 29 at emerald green.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with