^

Kutob

Abril 29, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Hindi mo pagsisisihan ang pagpili ng iyong partner kung puso at utak ang gagamitin. Kung papatulan ang mang-aasar o mangungulit, tiyak may hindi inaasahang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 15, 24, 39, 42 at red.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Tiyakin na maging presentable ang sarili dahil may mga tao kang makakaharap. Huwag patulan kung may mainit ang ulo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 23, 41 at maroon.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang isang kabiguan ay magbibigay sa iyo ng magandang aral. Napapanahong magkaroon ng mga bagong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 29, 33 at brown.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Magpakatotoo ka at tiyak mas kagigiliwan ka ng mga taong nakapaligid sa iyo. Sa sariling paraan marere­medyuhan ang pinagdaraanan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 31, 40 at orange.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ngayon mo mas lalong makikilala nang lubusan ang iyong partner. Ang mga bakanteng oras ay dapat ibuhos sa pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 18, 25, 39, 43 at blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Masigla ka sa umaga paggising, ngunit may problema sa dapithapon. Don’t worry masosolusyunan mo ito, maging matatag ka lang. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 26, 37 at jade green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Makakabuting manahimik na lamang kaysa ma-misinterpret ng iba. Maging praktikal ka sa paggastos ngayon, piliin lang ang kakailanganin. Lucky numbers at color for the day ang 17, 25, 36, 38 at tangerine.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Tanging ang pagkamaalalahanin at pagkamahinahon ang makakahadlang sa namumuong hidwaan. Iwasan ang mag-isip ng sobra. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 22, 34 at ruby red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Hindi tamang sisihin ang taong nakagawa ng kapalpakan, sa halip turuan siya ng tama. Huwag ipagdamot ang karunu­ngan. Lucky numbers at color for the day ang 20, 29, 34, 42 at yellow.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Mag-ingat kung nagmamaneho ng sasakyan.  Huwag munang isama sa sasakyan ang partner, wala siyang ECQ pass.  Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 36, 39 at aquamarine.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Pahalagahan ang anumang meron ka, dahil kung babawiin ay talagang pagsisisihan. Mag-isip muna bago magsalita. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 28, 30 at beige.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19)  Kung may galit sa kapwa, maghintay ng sapat na panahon, huwag munang kausapin dahil hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 29, 38 at avocado green.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with