^

Kutob

Pebrero 8, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Wala ka ngayon sa sarili dahil sa taglay na suliranin at kung magpapadala sa emosyon ay lalong lalala. Magpasalamat dahil sa tulong ng signos madali kang makakahagilap ng solusyon kung may suliranin. Magiging mabilis ang positive response kung tututukan ang solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 19, 32 at white.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) May kasabihan na kung ano ang ginawa ay siya rin ang gagawin sa iyo. Huwag magtaka kung may tao o bata na walang galang sa iyo. Panahon ng pagbabago sa masamang ugali at alam ng sarili kung ano ang mga ito. Lucky numbers at color for the day ang 18, 29, 34, 37 at baby pink.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kung may alitan sa nakaraan, ito ang tamang panahon upang ayusin dahil magiging magaan ang solusyon. Ang inaakalang mahirap gawin ay mapagtatanto na napa-kagaan na magagampanan ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 32, 40 at aquamarine.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ngayon susundin kung ano ang dikta ng isip at damdamin, tiyak matatamo ang tagumpay. Huwag ipagpabukas kung ano ang dapat gawin. Kilos kaagad kung may gawain dahil mala-king pakinabang ang naghihintay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 23, 36 at honey yellow.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Huwag mag-alinlangan, ipakita ang kanilang inaasahan dahil makadaragdag ito ng respeto sa sarili. Mapagtitibay ang harmoniya sa tahanan o pinapasukan. Maayos at walang suliranin ang pang araw-araw na gawain. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 26, 41 at red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang maging presko ay magdudulot ng maraming sama ng loob. Baguhin ang maling ugali bago mawalan ng kaibigan. Ang mga inaakalang kamaliang nagawa kung sisimulang baguhin, lalandasin ang tamang daan ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 28, 34 at pearl pink.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Masamang balita dahil may mabubuong hinala sa isipan ng minamahal o ng iyong boss. Kung ano ang itinatago, tiyakin na hindi madiskubre dahil ito ang pagmumulan ng gulo. Kung hindi mag-iingat, ang tinatago ay malalantad. Lucky numbers at color for the day ang 2, 11, 23, 38 at beige.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Maging kalmado at mahinahon dahil makakasagupa ka ng mga taong makulit o may pagkapilosopo. Iwasan na mag-init ang ulo. Iwasan ang magpadalos-dalos dahil kapahamakan at pagsisisi ang matatamo. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 22, 34 at citrine yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) May dahilan na maging malungkutin ka. Malamang may mawawalang bagay, subalit ang maliit na bagay na nawala ay may kapalit na doble kung ipapanalangin  na makatulong sa nakakuha o nakadampot. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 26, 34 at tangerine.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Sa kagipitan, malaking pagkakataon na malantad ang likas na talino. May mga hindi inaasahang pangyayari na magaganap, dapat itong ipagpasalamat. Mangyayari ito ngayon. Matutupad ang mga pangarap mo. Lucky numbers at color for the day ang 15, 20, 27, 41 at mint green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Nasa gitna ka ng tungkulin at pamilya na kapwa ka kaila-ngan. Sundin ang damdamin at tiyak doon ka nararapat. Ano man ang desisyon, gawin. Kung magiging matatag at buo ang loob, tagumpay ang makakamit. Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 23, 40 at yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Dahil walang balita sa isa’t isa, huwag magtaka kung napalitan na ng iba. Huwag mawalan ng pag-asa sa mga pagpa-follow up dahil kung may tiyaga, may nilaga. Huwag pilitin dahil kung sadyang ukol ay talagang bubukol. Lucky numbers at color for the day ang 8, 25, 39, 42 at dollar green.

 

 

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with