^

Kutob

Enero 27, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Mula sa karanasan ay unti-unting matututunan ang mahahalagang leksiyon sa buhay. Alalahanin ito lalo na sa oras ng pagsubok para walang pagsisihan sa huli. Lucky numbers at color for the day ang 15, 21, 39, 44 at lavender.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Nariyan ang iyong ispirituwal na gabay. Kapag puno ng poot ang kalooban, aakit ito ng unos, kaya pakawalan ang sarili sa negatibong emosyon. Kakailanganin ng ibayong katatagan sa paparating na pagsubok. Lucky numbers at color for the day ang 3, 13, 33, 39 at shocking pink.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ang magpa-feng shui ang mag-aakit ng balance at harmony sa inyong tahanan. Turuan ang sarili na papurihan ang iyong ina para tuluy-tuloy na dumaloy ang pagmamahal sa pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 37, 40 at honey yellow.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magiging masaya ang kasintahan dahil makakaalala ka na pasalubungan siya. Huwag masyadong seryosohin ang balitang matatanggap dahil fake news ‘yun. Magiging intresado ka sa isang business na io-offer ng isang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 17, 22, 11 at purple.           

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ang effect sa oracion meditation ay mas pagtalas ng iyong pakiramdam. Makakatulong ito para maging sensitibo ka sa damdamin ng mga taong nasa paligid mo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 41, 44 at tangerine.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Suriing mabuti ang mga terms of contract, mas mabuting kumunsulta sa isang legal expert para makatiyak na hindi magkakamali sa pagpapasiya. Alagaan ang kalusugan para mas ma-enjoy ang mga blessing na darating. , Lucky numbers at color for the day ang 31, 55, 19, 29 at blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Exchanging of ideas ay mainam na hakbang para mas mapalago ang negosyo. Kaya hikayatin ang mga katrabaho para makiisa. Isang kaibigan ang makakapansin sa iyong hindi mabuting gawi. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 33, 17 at amber.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ang crisis ay blessing in disguise, dahil makikilala mo ngayon ang iyong tunay na kaibigan. Tutuklasan mo rin ang pinakatugmang pagkakataon kung kailan dapat simulan ang buhay kasama ang tunay na nagmamalasakit sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 17, 31, 29, 49 at lilac.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Mag-aral ng laughter yoga upang malagpasan ang traumang naranasan. Matututunan mo ang isang bagay na magpapagaan sa iyong pang-araw-araw na buhay, ito ang maging tapat sa sarili at sa iyong kapwa.  Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 44, 55 at scarlet red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kahit durugin ka ng paninira ng kalaban ay lalong lilitaw ang totoong pagkatao mo. In short, hindi ka maaapektuhan kahit kaunti. Dahil pipiliin mo ang maging masaya at kontento sa kung ano ang meron ka.  Lucky numbers at color for the day ang 7, 9, 11, 21 at carrot orange.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Mag-retire sa gobyernong pinagsisilbihan upang ma-enjoy mo ang pinagpaguran. Pero huwag magtaka kung may maghahabol ng iyong serbisyo. Dahil iyan sa katapatang ipinakita mo sa maraming taon ng paglilingkod. Lucky numbers at color for the day ang 19, 29, 14, 45 at bright red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Panatilihin ang tagumpay sa pamamagitan ng ibayong pagpupursigeng madedma ang mga pasaway sa iyong paligid. Ibaling sa higit na kapakipakinabang ang iyong atensiyon at panahon. Magbawas ng timbang. Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 44, 51 at green.

 

 

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with