^

Kutob

Nobyembre 29, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Huwag mangutang o magpautang dahil tiyak hindi mababayaran sa takdang panahon. Huwag magpahiram ng gamit dahil tiyak mawawala at hindi maisasauli at kung mabayaran ay matatagalan. Huwag maningil ngayon kung may pautang, mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 37, 42 at yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Huwag isisi sa iba ang nagawang pagkakamali. Panindigan ang nagawa at aminin kung masumbatan. Sa pagkakamali, maitutuwid ang hindi tama at magiging leksyon na hindi na mauulit. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 26, 37 at blue sapphire.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Manalangin na ang matutuklasan ay magdudulot ng kaligayahan. Ihanda ang sarili kung ang matutuklasan ay magbibigay ng hinanakit o sakit ng loob. Lahat ng suliranin ay may katumbas na solusyon. Huwag malito. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 23, 33 at tangerine.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Taglay mo ang kalakasan ng ESP at malaking tulong sa paggawa ng maselang desisyon. Asahan na ang kutob ay totoo at magkakatotoo subalit lalong mabuti kung mapapatunayan muna sa pisikal na ebidensya bago magkumento. Lucky numbers at color for the day ang 13, 15, 35, 41 at ocean blue.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Mas maganda ang resulta ng trabaho kung pinagkaisahan ng lahat, kaya huwag umastang boss o kaya ay sarilihin ang gawa. Huwag ipagkait sa kapwa ang  bagay na nalalaman. Pasasa-lamatan ka nila sa pagbabahagi ng iyong kaalaman. Lucky numbers at color for the day ang 4, 12, 31, 40 at scarlet.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) May bantang unos na darating sa pamilya kung hindi hahanapan kaagad ng solusyon ang kasalukuyang problema. Ang maliit na problema kung ituring ay dapat alalahanin para hindi pagmulan ng malaking sunog. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 19, 37 at aquamarine.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Balansehin ng maayos ang lahat ng may kaugnayan sa iyong buhay pag-ibig, trabaho, kasamahan at ano pa man. Ang pagbibigay ng malaking atensyon at sobrang oras sa isang bagay ay magdudulot ng hinanakit sa iba. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 32, 42 at white.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Kung kaya mong magtimpi ng iyong emosyon, magkakaroon ka ng katangian na mapagtimpi sa kahit anong sitwasyon na dati’y hindi mo kayang harapin. Magkakaroon ka ng pana-nalig sa sarili sa kahit anong desisyong gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 37, 38 at maroon.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Nang dahil sa iyong emosyon sa asawa, anak, kaibigan o kasamahan parang malayo ang kalooban mo sa kanila, kahit kabaligtaran dito ang iyong nararamdaman. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 22, 27 at beige.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Makabago ang panahon, kaya baguhin ang pag-aayos ng sarili at magtataka ka na maraming hahanga sa’yo. Iwaglit ang ugaling kinakainisan ng kasambahay, kaibigan o kasamahan.Lucky numbers at color for the day ang 12, 18, 28, 39 at dollar green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Disiplina sa sarili ang dapat harapin at gawin. Kung may mga mahalagang lakad o schedules, pag-aralan, repasuhin at maagang matulog. Iwasan ang anumang uri ng paanyaya na magdudulot ng antok sa oras ng trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 26, 39 at pink.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang pagkanerbyoso ay dahil sa stress at pagod. Kung palainom ng kape, panahon na para lumipat sa tsaa o herbal tea. Ang pagpapa-therapy o pagpapamasahe ay pagtatanggal ng pagod at stress, gawin ito. Lucky numbers at clor for the day ang 16, 18, 29, 39 at green.

 

vuukle comment

HOROSCOPE

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with