^

Kutob

Nobyembre 24, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kumain ng mga pagkaing makakabuti sa iyong kalusugan. Fresh fruits at mga gulay, kailangan ipakita sa iba na kaya mong tumayo sa sari­ling mga paa. Huwag asahan ang tulong ng iba, sipag at tiyaga ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 5, 14, 31 at burgundy.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Makibalita sa mga kaibigan o kakilala kung ano ang maaa­ring pagkakitaan. Huwag magpaapekto sa mga balitang naririnig kung wala naman ito sa katotohanan. Tiyakin muna ang mga bagay bago magkumento o gawin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 26, 40 at golden yellow.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Huwag kang matensiyon sa mangyayari. Wala sa iyo ang problema. Kundi nasa kanila, kaya relax lang. Magkakausap kayo ng isang kaibigan na matagal ng hindi nakikita. Lucky numbers at color for the day ang 4, 21, 29, 43 at orange.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Malabo ang pagsasama ninyo ng iyong minamahal dahil sa mga pagsubok na nararanasan. Tibayan ang iyong loob at huwag kaagad susuko sa anumang problema. Mapag-uusapan ninyong dalawa ang inyong problema. Lucky numbers at color for the day ang 7, 10, 23, 39 at lavender.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Malamang ma-depress ka pero sikaping mapaglabanan upang pangalagaan ang kalusugan. May inaasahan ka na hindi kayang ibigay ng minamahal. Kailangan niya ang iyong pang-unawa. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 11, 35 at violet.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Tiyak na hindi mo magugustuhan ang mga taong lalapit sa iyo ngayon. Ipakita sa minamahal ang iyong pagmamahal, huwag siyang i-take for granted dahil may namumuong selos. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 34, 43 at burnt orange.  

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Bigyan ng prayoridad ang pamilya. May ilang mga bagay na aagaw sa iyong atensyon, huwag pansinin. Ang mga importanteng bagay ang bibigyan ng prayoridad at hindi babalewalain. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 15, 33 at dark blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Maalalahanin ka sa mga kaibigan kaya ganon din sila sa’yo. Ipagpatuloy ang magandang gawi. Mara­ming bibitawang pangako ang iyong ka-partner, asahang matutupad ang mga ito. Lucky numbers at color for the day ang 3, 6, 37, 42 at green.

 

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Laging isipin ang iyong kapakanan kaya mag-ingat. Posibleng hingan ka ng payo ng nakakabatang kapatid o pinsan tungkol sa pag-ibig, kaya bigyan ng mabuti at karapatdapat na payo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 15, 36 at yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Marami kang libreng oras kaya maganda kung ilaan mo ito sa paglilinis ng bahay at kapaligiran. May darating na ‘di inaasa­hang problema tungkol sa pamilya o kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 26, 41 at navy blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Maaaring magalit ka sa hindi mapaliwanag na dahilan. Huwag isipin na ang tao ang lumalayo sa’yo, ikaw ang dumistansiya sa kanila. Maghanap ng mapagliliba­ngan para mabawasan ang iyong problema. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 23, 38 at magenta.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Hindi dapat hangaring magpakamatay nang dahil sa taglay na problema. Asahan na matutupad din ang hinahangad sa takdang panahon kung magsisikap at magtitiyaga. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 15, 42 at dark yellow.

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with