^

Kutob

Nobyembre 23, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang mga masamang nakaraan ang nakatulong sa iyo upang maging mas matalino ngayon. Higit na pag-iingat ang pairalin sa pagdedesisyon lalo na ang may kinalaman sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 30, 36 at light green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Mage-enjoy sa pakikipag-usap sa mga kapitbahay o kasamahan kung pawang mabubuting bagay ang pag-uusapan. Subalit biglang magagalit at magpapantig ang tainga dahil sa paksa. Iwasan ang makinig sa mga tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 28, 40 at violet.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung intensyon mong mag-ipon ng pera, simulan ngayon. May mga oras na magiging moody ka sa araw na ito. Mainam sa gabi makipagsosyalan. Makikilala ang taong makakatulong sa iyong pag-unlad. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 22, 34 at brown.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Bigyang-pansin ang kalusugan. Maganda ang araw para sa paglilibang kasama ang pamilya o mga kaibigan. May ilang magpapayo na magbibigay sa’yo ng saya at positibong pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 27, 36 at orange.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Gusto mong gumawa ng desisyon, ngunit hindi ka makapagpasiya. May perang darating na matagal nang hinihintay, magagamit mo ito sa pamimili o pambayad ng mga utang. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 23, 45 at tangerine.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Marami kang gustong gawin na pagbabago sa negosyo, dapat kumilos kaagad. Simulan ang binabalak dahil magbubunga ng maganda. Ituloy ang pagsisikap dahil lalago pa ang iyong hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 29, 38 at peach.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Pakinggan at sundin ang kutob, siguradong hindi ka nagkakamali. Babansagan ka ng marami na swerte sa pag-ibig at hanapbuhay. Huwag magyabang dahil babawiin ang tinatamasa kung magkamali. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 23, 39 at ivory.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Huwag mapikon sa mga biro, dahil gusto ka lang nilang maging masaya. Maglaan ng oras para sa regular na pag-eehersisyo. May darating na problema subalit madaling mareresulba. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 26, 37 at bright blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Isang inaasahang panauhin ang darating at ang hatid ay magandang balita tungkol sa inaaplayang permit para makapagnegosyo. Hindi malayo ang katuparan sa hinahangad kung patuloy ang pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 27, 38 at navy blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Pipiliin mong makapag-isa sa araw na ito. Mga isyung may kinalaman sa pamilya ay hindi mawawala sa isipan. Pipilitin mong maglaan ng oras upang mapag-usapan ng pamilya ang ilang problemang pantahanan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 26, 37 at emerald green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Nasa mababa kang kalagayan ngayon, pero hindi ka pa rin susuko sa pakikipagsapalaran. ‘Yan ang dapat sa likod ng bawat kabiguang iyong nararanasan. Ang magkaroon ng ibayong tatag ng loob ay susi sa tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 4, 23, 30, 42 at carrot orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung gustong magtagal sa trabaho, maging palakaibigan at makisama ng tapat sa mga kasamahan. Isang kaibigan ang makakatulong sa iyong problema. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 21, 35 at dark gray.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with